Bocaue Vice Mayor Tugna suportado ang pananaw ni Sen Villanueva sa ChaCha

Nagpahayag ng kaniyang buong pagsuporta ang Vice Mayor ng munisipalidad ng Bocaue, Bulacan na si Atty. Sherwin N. Tugna para kay Senate Majority Leader Joel Villanueva hinggil sa pananaw ng mambabatas sa Charter Change (ChaCha).
Bocaue Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Tugna na todo-suporta siya kay Villanueva sa pagtupad ng tungkulin nito bilang kinatawan ng mamamayan sa Mataas na Kapulungan kaugnay ng kontrobersyal na ChaCha.

“In light of the ongoing discussions surrounding charter change, it is essential for us, as public servants, to demonstrate sobriety and political maturity. As Vice Mayor of Bocaue, Bulacan, a lawyer and a three-term member of the House of Representatives, I add my voice in calling all stakeholders to refrain from engaging in petty disputes and name-calling, particularly targeting the Senate’s Majority Leader, Senator Joel Villanueva,” wika ni Tugna sa kaniyang inilabas na statement.

 
Sinabi ni Tugna na itinataguyod lamang ni Villanueva ang integridad at kalayaan ng institusyong kanyang kinakatawan.
 
“The exchanges between both houses of the legislature have sadly descended to a point where there are insinuations that re-electionist senators in the 2025 midterm election may not be able to count on the support from district and party-list congressmen.”
 
“The deliberations of our Constitution demand respect and cooperation from both houses of Congress, as taxpayer money is being spent on these proceedings,” ani Tugna.
 
Aniya, nakikiisa siya sa publiko sa panawagan sa magkabilang kapulungan ng lehislatura na kumilos nang may dignidad, pagyamanin ang mga debate tungkol sa mga merito at implikasyon ng charter change para lamang sa kapakinabangan ng mga Pilipino.
 
Panawagan din ni Tugna na isantabi ang mga personal na agenda at partisan na interes, sa halip ay tumuon sa mga patakarang tunay na nakikinabang sa bansa at sa mga mamamayan nito, na nagpapaunlad ng pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa pag-unlad at kaunlaran.