Bocaue ginunita ang 5th death anniversary ni Mayor Joni

Pinangunahan ni Senator Joel Villanueva at Vice Mayor Sherwin N. Tugna ang komemorasyon ng 5th death anniversary ni former Mayor Joni Villanueva-Tugna sa pamamagitan ng distribution of medicines at medical mission na ginanap sa Bocaue Municipal covered court nitong Miyerkules.

Ang nasabing medical mission at distribution of medicines para sa 500 beneficiaries ay isang aktibidad na taunang ipinagdiriwang ng senador sa araw ng death anniversary ng kaniyang kapatid na si former Mayor Tugna.

Isinagawa ang distribution of medicines sa covered court sa tabi ng Municipal building habang ang medical mission ay sa Joni Villanueva General Hospital.

Kasama rin ng pamilya Tugna ang mga anak ni Mayor Joni na sina Doreen, Joaquin, Eleeya at Lexy Joy.

”Sa paggunita ng pagpanaw ni Mayor Joni, hindi pa rin ako maapaniwala pro yun kaniyang legasiya ay hindi pa rin nawawala bagkus ay lalong nagniningas ang apoy ng paglilingkod namin para sa Bocaue,” wika ni Senator Joel.