
MANILA, Philippines — Nasungkit ng Filipino cue artist na si Carlo Biado ang titulo ng World Pool Championship (WPC) 9-Ball na ginanap sa Green Halls sa Jeddah, Saudi Arabia nitong Linggo.
Unang naka-score sa 2-0 ang kaniyang katunggali na si Russian-American champ Fedor Gorst’s para sa Race to 15 Finals ng World Pool Championship (WPC) 9-Ball nang biglang mabaligtad ang sumunod na mga racks kung saan umarangkada si Biado at naungusan si Gorst sa 9-2 score.
Subalit nakahabol naman si Gorst at dumikit sa score na 13-9 lamang si Biado at dumikit pa hanggang 13-11 at 13-13 all subalit dito na siya iniwan ni Biado.
15-13 ang final score at wagi si Biado.
Ang iba pang naging Filipino champs ay sina Efren ‘Bata’ Reyes 1999, Ronnie Alcano 2006, ay Francisco ‘Django’ Bustamante 2010.
Ito ang ikalawang titulo ni Biado kung saan una niyang nasungkit ang titulo taong 2017.
“This final is an unforgettable game because Fedor is one of the best players in the world and he’s a monster in the table. I’m worried even when I’m leading at 9-2 because if he gets a break, he has a monster break, and that happened today but I’m still focused on the game even when he came back.” wika ni Biado.
Naiuwi ni Biado ang premyo na $250,000 o mahigit P14.2 million.
Naibulsa naman ni Gorst $100,000 o mahigit P5.7 million bilang 1st runner up.