BFAR, namahagi ng fingerlings sa Botolan

Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng humigit kumulang 160,000 tilapia fingerlings sa barangay Carael sa Botolan, Zambales. (BFAR)

IBA, Zambales — Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ng humigit kumulang 160,000 tilapia fingerlings sa barangay Carael sa Botolan, Zambales.

 

Ito ay sa pakikipagtulungan sa Franciscan Missionary Sisters of the Infant Jesus o FMIJ na naglalayong tugunan ang seguridad sa pagkain.

 

Ayon kay BFAR Provincial Fisheries Officer Neil Encinares, mga katutubong fish pond operator sa naturang lugar ang nagsilbing mga benepisyaryo.

 

Layunin aniya nito na maparami ang kanilang ani bilang suporta sa kanilang kabuhayan.

 

Naging katuwang din ng BFAR ang Technology Outreach Station for Fresh Water Species upang matiyak ang tamang disposisyon ng mga fingerling sa palaisdaan.

 

Samantala, hinikayat naman ng FMIJ ang mga benepisyaryo na panatilihin ang kanilang pananampalataya sa Lumikha na siyang ginawang instrumento ang BFAR upang mapabuti ang kanilang kapakanan bilang mangingisda. 

Source: REIA G. PABELONIA (pia-3)