BDO, nagwagi ng Gold Anvil para sa “Kabayan Connections” campaign

Naka-Gold Anvil Award ang BDO Unibank para sa kanilang “Kabayan Connections” campaign sa 61st Anvil Awards kamakailan sa kategoryang Public Relations Programs – Best Use of Influencer Marketing.

Kasama ang BDO sa piling Gold Anvil recipients, na namumukod-tangi mula sa higit 170 kumpanya na sumali sa prestihiyosong awards na inorganisa ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP).

Sa pamamagitan ng mga credible brand ambassadors at influencers, naghatid ang campaign ng timely financial at security tips sa mga overseas Filipinos at kanilang pamilya sa Pilipinas.

Nagdala si Piolo Pascual ng depth at institutional trust sa campaign, batay sa kanyang dalawang dekadang di matatawaran na partnership sa BDO. Samantala, sina Small Laude, Christian Antolin, at Justine Luzares ay gumamit ng light at relatable storytelling para gawing mas simple ang banking concepts at mas approachable ang financial conversations.

Higit pa sa simpleng product promotion, nakatuon ang Kabayan Connections sa pag-build ng emotional trust. Sa pamamagitan ng pag-reflect ng shared realities at aspirations ng mga overseas Filipinos, pinatibay ng campaign ang meaningful engagement, financial awareness, at financial inclusion—pinalalakas ang Alagang Kabayancommitment ng BDO at ang tunay nitong malasakit sa mga Pilipino, saan man sila naroroon.