Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand ” Bongbong” Marcos Jr. sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga na lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng nagdaang Habagat at bagyong Egay at Falcon.
Kasunod nito ay nagkaroon din ng pamamahagi ng various government assistance na pinangunahan din ni PBBM kasama sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro na ginanap sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos.
Sa ginanap na situational briefing ay inilahad ni Gov. Fernando ang mga kabuuang pinsala ng baha sa Bulacn at tinalakay ang mga pamamaraan kung paano matutugunan ang suliranin sa lumalalang pagbaha sa lalawigan.
Unang pinatututukan ni Pangulong Marcos ay ang massive dredging of internal waterways and main river outflows at water impounding sa mga lowland areas.
Ito ay makaraang ipresenta ni Fernando ang mga solusyon na kailangan gawin para sa konkreto at long term solution sa suliranin sa baha.
Prayoridad ng pangulo ay ang paghuhukay sa mga kailugan, creek, at iba pang pangunahing daluyan ng tubig at ang imbakan ng tubig partikular na sa mga lugar na unang binabaha kaya agad nitong inatasan ang provincial government na isumite sa lalo’t mdaling panahon ang report para sa agarang aksyon dito ng pamahalaang nasyunal.
Sinabi ng Pangulo na importante ang pagkakaroon ng water reservoirs at water impounding areas at ang pagpapasimula ng massive redging sa mga kailugan.
Kasama rin sa pag-aaralan ng presidente una na ang Creation of Flood Management Master Plan, Construction of Elevated Bypass Roads, Additional Water Reservoirs in the uplands, Construction of coastal road from Cavite to Batangas at regular na pagsasagawa ng campaign to the community to have initiatives of keeping his surroundings clean and proper disposal of garbage.
Nabanggit din ni Fernando ang ilan sa mga dahilan ng malawakang pagbaha ay ang sobra o biglaang pagpapakawala ng tubig mula sa dam sa Bulacan. Isa pa rito ay ang water back flow sa mga irrigation canals sa bypass roads gayundin ang mga binarahang mga creek lalo na sa kahabaan ng South-North Commuter Railways mula sa Lungsod ng Meycauayan patungong Malolos City hanggang Calumpit.
Kabilang naman sa mga ahensiya na tututok at binigyan ng mandato ng Pangulo para ma-address ang suliranin ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Department of Environment and Natural Resources (DENR) para tukuyin ang mga waterways na naapektuhan ng mga government at private projects.
Lubos ang pasasalamat nina Fernando at Castro sa pagbisita at pagtugon ni Pangulong Marcos na personal na inalam ang pangangailangan ng mga LGUs sa lalawigan ng Bulacan kasama ang Pampanga na lubhang naapektuhan ng pagbaha sa nagdaang bagyo.