BBM landslide sa overseas voting

PHOTO BY JOHN RYAN BALDEMOR (The Manila Times)
 
SI President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang iniulat na top choice ng mga Pinoy sa ibang bansa.
 
Lumabas sa mga resulta ng isinagawang month-long overseas absentee voting na isinumite ng ibat-ibang mga Philippine diplomatic posts and the Commission on Elections (Comelec) Transparency Media server na si Marcos ay nakakuha ng 330,231 votes na malayo sa  89,624 boto na nakuha naman ng kaniyang closest rival na si Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo.
 
Sa Asia Pacific cluster na kinabibilangan ng China, Japan, Australia, Thailand, Malaysia, Korea, Singapore, and Taiwan ay nakakuha si Marcos ng 159,186 boto kumpara kay  Robredo na mayroon lamang na 35,862 boto base sa May 11, 2022 data mula sa Comelec.
 
Sa Singapore ay nakakuha si Marcos ng most considerable number of votes na 36,806 habang kay Robredo ay 12,283.
Sinundan ito ng Japan kung saan nakakuha si Marcos ng botong 25,410; sa Taiwan ay 23,906 votes.
 
Ang pangunguna ni Marcos sa mga overseas polls ay nagpatuloy din sa Middle East at Africa cluster, gaya ng sa Lebanon, Qatar, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, United Arab Emirates, at Bahrain.
 
Nakakuha ang standard bearer of the Partido Federal ng Pilipinas  111,025 boto habang kay Robredo ay 19,856.
Sa Saudi Arabia kung saan mayroon itong  98 percent voter turnout, kumuha rito si Marcos ng 46,748 votes at 8,582 naman kay Robredo.
 
Nanatili ring lamang si Marcos sa America at Europe clusters at nakakuha siya dito ng  28,623, at 31,397.
 
Base sa partial and unofficial results, as of May 13, 2022, si Marcos ay nanguna sa presidential race na mayroong 31,104,175 boto kumpara sa 14,822,051 boto ni Robredo.

Ayon sa Comelec, mahigit sa 1.5 million Filipinos overseas ang nakarehistro para bumoto sa 2022 national elections.

Noong 2016 race para sa vice president, nanalo rin si Marcos sa naturang month-long overseas absentee voting, kung saan nakakuha siya ng 176,669 boto laban sa  89,935 boto kay Robredo.