SA naganap na paghahain ng Certificate of Candidacy(COC) para sa darating 2025 Midterm Elections ay pinaka-aabangan sa lalawigan ng Pampanga ay ang labanan sa gubernatorial at vice gubernatorial race matapos magsanib puwersa sina former governor Eddie Panlilio at former Candaba Mayor Danilo Baylon laban sa mga Pineda.
Ito ay makaraang maghain ng kaniyang COC si Panlilio, kilala bilang “Among Ed” bilang bise gobernador upang suportahan ang kandidatura ni Baylon na tatakbo naman bilang gobernador.
Babanggain nina Baylon-Panlilio ang mga Pineda kung saan nagpalit naman sina Vice Gov. Lilia Pineda na nag-file ng COC para gobernador at si incumbent governor Dennis Pineda naman bilang bise gobernador.
Si Panlilio ay ay dating Roman catholic priest na naluklok bilang governor ng Pampanga noong 2007 to 2010 kung saan tinalo nito sina noo’y incumbent governor Mark Lapid at noo’y provincial board member Lilia Pineda.
Si Baylon naman ay isanga prominent resident at businessman na naging alkalde ng Candaba, Pampanga noong 2016 to 2019.
Si Baylon ay tinalo ni Pineda sa pagka-gobernador nitong nakaraang 2022 elections ay susubok muli sa nasabing posisyon kung saan aniya ay mas kumpiyansa siya ngayon sa laban.
Nagpasiyang lumaban muli si Baylon dahil ito umano ang atas sa kaniya ng Panginoon.
“Ang mga Kapapangpangan ay naghahanap na ng pagbabago at kaibahan ng paglilingkod na may takot sa Diyos, iyan ang kailangan ngayon ng lalawigan ng Pampanga,,” ayon kay Baylon.