Barangay Ginebra: 2022 PBA Governors’ Cup champions

 2022 PBA Governors’ Cup Barangay Ginebra San Miguel.
Photo credit to PBA Media Bureau
MANILA, Philippines–Tinanghal na kampeon sa 2022 PBA Governors’ Cup ang paboritong koponan sa bansa ang Barangay Ginebra matapos itaob sa tagay ang Meralco Bolts sa kanilang laban Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa score na 103-92.
 
 
Ito ay kaiba sa kanilang 2020 Philippine Cup’s PBA Bubble title kung saan ang Barangay Ginebra ang nag-kampeon kontra sa Talk ‘n’ Text Tropang Giga dahil noon ay walang audience o Ginebra fans di kagaya ng 2022 PBA championship na mayroon  20,224 fans na pumuno sa audience ng Mall of Asia.
 
 
Kagabi ay kumamada ang import na si Justin Brownlee ng 17 points mula sa kaniyang 24 points sa third period, habang ang tinaguriang “D General” na si  LA Tenorio at ang great rebounder na si Scottie Thompson, at si Christian Standhardinger ay katuwang upang makuha ang ika-14th PBA title overall. 
 
 
Si Tenorio ang naging topscored at best player of the game na kumamada ng 30 points habang si Thompson ay mayroon 15 points na tinanghal naman na  Finals’ Most Valuable Player. 
19 puntos at 13 rebound naman kay Standhardinger sa pagtatapos ng laban.
 

“It’s a little bit shocking for us, because we were so far down at one point. I mean, we had really reached the bottom of the barrel, and there was a point where I didn’t think we were gonna emerge and make a statement this conference,” wika ni head coach Tim Cone. “But again, we have a very veteran team. We have great veteran leadership, and the leadership really stepped up.”

 

Ito ang ika-4 na championship title ng Gin Kings sa huling 5 editions ng season-ending tournament kung saan umangat sa 24 titles para kay Cone na pinakamarami sa kasaysayan ng paliga.