Bangkay ng nawawalang beauty queen, boyfriend natagpuan sa Tarlac

Natagpuan na ang bangkay ng beauty queen contestant mula sa Pampanga na si Geneva Lopez at ang ang boyfriend nito na si Yitshak Cohen sa isang bakante at madamong lugar sa Capas, Tarlac ngayong Sabado ng umaga.
 
Kinumpirma ni Pampanga Governor Dennis Pineda na ito na nga ang mga nawawalang biktima na mahigit dalawang linggo nang nawawala.
 
“I am saddened to report that we found the bodies of our very own Geneva Lopez and her boyfriend, Yitshak Cohen at Sta. Lucia, Capas, Tarlac, after they went missing for two weeks,” pahayag ni Pineda sa kaniyang Facebook page.
Nabatid na nakilala ang dalawang biktima ng lokal napulisya ngTarlac base sa suot ng mga ito na damit.
“Let us pray for their souls. My condolences to their families. I will continue to assist in seeking justice for Geneva and Yitshak,” anang gobernador.
Huling nakita ang dalawa noong June 21 kung saan nagpaalam ito sa mga kaanak na pupunta sa Tarlac at makikipagkita sa kausap nito tungkol sa isinanlang property.
Mula noon ay hindi na nakabalik ang dalawa hanggang sa matagpuan na ang mga ito na bangkay sa Sta Lucia, Capas, Tarlac.