BALIWAG CITY, SUMAILALIM SA 2024 MANILA BAYANI REGIONAL VALIDATION

Sumailalim ang lungsod ng Baliwag sa compliance rating para sa 2024 Manila BAYani Awards and Incentives Regional Validation na pinangunahan ng Regional Inter-Agency Committee ng Department of Interior and Local Government (DILG) Central Luzon, noong ika-17 ng Abril sa Baliwag Business Center.
 
Ibinahagi ng Baliwag City Environment & Natural Resources Office (CENRO) ang patuloy at mas pinaigting na implementasyon ng best practices ng lungsod pagdating sa pangangalaga ng kapaligiran at mga flagship programs ni Baliwag City Mayor Ferdie V. Estrella, na nagresulta ng pagkilala sa Baliwag City bilang kauna-unahang Hall of Famer ng naturang award noong nakaraang taon. Kasabay nito ay ang patuloy na pagpaplano ng mga inobatibo at epektibong programang pangkapaligiran para sa environmental protection. 
 
Layunin ng pagsusuri na tukuyin ang mga hakbang at epektibong pamamaraan ng lokal na pamahalaan na nagpapakita ng natatanging pagganap sa pagtupad ng mga tungkulin at responsibilidad sa ilalim ng mga batas at patakaran sa kapaligiran na sumusuporta sa kaayusan at rehabilitasyon ng liquid waste management, solid  waste management, at informal settlers.