Bahay ng ama ng kumakandidatong kongresista pinasok, armadong suspek arestado

Nagpahayag ng pangamba sa kaniyang seguridad ang isang kakandidatong kongresista sa lalawigan ng Bulacan makaraang isang armadong lalaki ang pumasok sa compound ng isa sa kanilang tirahan sa Barangay Tukod, San Rafael, Bulacan noong Nobyembre 2.
Agad namang naaresto ang suspek at nahulihan sa kaniyang pag-iingat ang isang baril at granada.
Kinilala ni Lt. Col. Eulogio M. Lamqui III, acting police chief ng San Rafael Police Station ang inarestong suspek na si Lloyd Rodriguez Madulid, 40-anyos , residente ng Barangay Agnaya, Plaridel, Bulacan.
Ayon kay Chad Racal, kandidatong congressman ng 6th District ng Bulacan, ang suspek sakay ng blue Honda Click motorcycle na walang plaka ay pumasok sa kanilang compound kung saan naroon ang kaniyang ama na si Jonito Racal at pamangkin nito na si .
Base sa imbestigasyon, pumasok ang suspek na si Madulid sa Racal compound upang humingi uano ng tulong subalit nagtanong din ito sa mga caretaker kung sino ang tao sa loob at kung mayroon bang mga nakatalagang securities.
Dahil dito, naghinala ang mga caretaker sa inaasta ng suspek kaya agad na ipinag-alam kay Jonito Racal na agad ipinagbigay-alam sa barangay at itinawag sa San Rafael PNP.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng San Rafael Police Station at Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3) kung saan ay inaresto ang suspek at nakuha dito ang isang caliber .38 revolver at hand granade.
Hindi naman isinasantabi ng pamilya Racal ang posibleng motibo na pulitika dahil kumakandidato bilang kongresista ang anak ng may-ari ng pinasok na compound na anila ay maaaring isang spy ito,
Nitong Lunes ay pormal nang sinampahan ng kaso ang suspek na violations of RA 10591, RA 9516, at Trespass to Dwelling.
Sa interogasyon ng pamilya sa suspek, sinabi nito na siya ay napag-utusan upang magmanman sa nasabing compound.