Bagong Bihis Sa Bagong Taong 2023!

Bagong Bihis Sa Bagong Taong 2023

Bagong Taon na! Panibagong bihis ng mga mithiin at mga pangarap na pagbabago sa takbo ng ating pamumuhay. Ang pagtaboy at pagiwas sa nakaraang mga kabiguan ay kailangang isagawa, ng sa gayun ito ay hindi na muling maulit.

 

Lumayo at umiwas sa mga taong mapagsamantala, mapanggamit, mapanlinlang, traidor, matabil ang dila sa kasinungalingan, mapanligalig, balasubas, mapagmataas o mapang-uri ng kapwa, na silang hahatak sa iyo pababa tungo sa isang kapighatian at kabiguan ng iyong mga pangarap

  

At dahil tao, na may sarili-sariling kaisipan at balakin sa buhay, ay mangyaring maging matalino, makilatis, mapagmasid at laging pag-aralan ang mga nilalahukang gawain o relasyon, ng sa gayun ay makaiwas sa mga nakaambang suliranin, at hindi na maulit pa ang mga pangyayari na naganap noong nakalipas o nagdaang taon.

  

Iganyak ang sarili, sikaping baguhin ang lahat ng pagkakamali, makisama sa mga taong sa tingin mo ay makapagbibigay ng magandang balakin at bukas sa iyong buhay. Tandaan na ang isang pagbabago ay isang proseso, ito’y isinasaktuparan tungo sa iyong minimithing tagumpay.

  

Tsk! Tsk! Tsk! Lagiang isaisip na tayo ay suwerteng nilalang, Maging positibo sa lahat nga mga balakin sa buhay, may mga magandang layunin na tatahakin sa buhay, maging bukas ang ating kaisipan sa mga oportunidad na dumarating, makipagkaibigan sa mga tamang tao, lagiang mag-isip ng mga makabuluhang gawain, maging maagap sa mga gawain at lagiang magpasalamat higit sa Poong Maykapal. Muli ang pagbati ng Katropa sa inyong lahat ng ‘Happy New Year 2023!’

  

 

Makikita sa larawan ang kasiyahan ng inyong Katropang Vic sa Christmas Party ng Centro News Online kahapon Disyembre 27, 2022 kasama ang Managing Editor na si Eloisa Silverio.

CENTRO NEWS ONLINE, NAMAHAGI NG SWERTE AT BIYAYA

 

Namahagi ng SWERTE ang CENTRO NEWS ONLINE, sa pagbibigay ng regalo at kasiyahan sa kanilang mga Manunulat, sa ‘Christmas Party’ na ginanap sa tanggapan nito sa Bayan ng Balagtas, Bulacan, Martes ng hapon, ika-27 ng Disyembre, 2022.

 

Ang naturang okasyon at pagbibigay ng mga ‘delighting gifts,’ ay pinamahalaan ng magsawang Eloi Sam Sil at Erick Silverio, pawang maylikha ng naturang ‘online news’ sa ‘social media’ at kapwa ‘Media practitioners.’

 

Tumanggap ng isang ‘grand gift’ na ‘washing Machine’ at iba pang karagdagang handa sa pagpasok ng Bagong Taon 2023, ang Kolumnista ng Katropa Nakasentro na si G. Vic Billones III. Gayundin namahagi din ng mga ‘electric fans,’ at isang LED / LCD TV, para sa iba pang kontribyutor ng nasabing ‘online news.’ Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan din ng malalapit na kaibigan ng mag-asawang Eloi at Erick.

 

Tsk! Tsk! Tsk! Nais natin pasalamatan ang ‘creators’ ng CENTRO NEWS ONLINE (Social Media page) na sina Eloisa at Erick Silverio, sa kanilang mabuting pakikitungo sa kanilang mga Manunulat sa CENRO News Online. Mabuhay! Hanggang sa muli!