Bigyan pugay natin ang Pamahalaang Bayan ng Pandi, Bulacan. Sa pangunguna nina Mayor Enrico ‘Rico’ Roque at VM Luisa Sebastian, gayundin ang mga Konsehales ng Sanguniang bayan ng Pandi, sa kanilang pagmamahal sa mga Lolo at Lola na mabigyan ng ‘Local Pension’ na umaabot sa P2k kada Senior Citizens (SCs,) ngayong buwan ng Abril 2023.
Ang naturang pagbibigay ng ayuda sa mga Lolo at Lola ay nagsimula na sa limang barangay, ika-11 ng Abril, 2023. Habang isinusulat, ito ay uusad sa iba pang baranggay sa mga susunod pang mga araw, upang makompletong magkaroon ng panggastos ang mga SCs.
Ang mga ‘recipients’ na ating mga nakahuntahan ay nagpapasalamat kay Mayor Roque at VM Lui Sebastian, sa tulong na kanilang ibinabahagi sa mga SCs taun-taon.
Tsk! Tsk! Tsk! Ganyan talaga magmahal si Mayor Roque sa Lolo at Lola sa Bayang Pandi. Tuloy-tuloy lang ang pagbibigay ng tulong ika niya ng minsang kami ay magkadaumpalad. Mabuhay ang Bayang Pandi at si Mayor Roque!
****
Naging matagumpay naman ang paggunita sa ika-77 taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayang Pandi, Lalawigan ng Bulacan, na ginanap sa Inang Lohiya Shrine, Real De Cacarong, Pandi, Bulacan, ika-10 ng Abril 2023.
Nakalap natin ang mensahe ni Mayor Rico Roque, ng naturang lugar, hinggil sa nasabing okasyon, narito po: “Pormal na po nating binubuksan ang ating week-long celebration para sa ating 77th Founding Anniversary. Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsama sa amin, sa patuloy ninyong paggabay. Lagi po ninyong tatandaan na ang tagumpay ng bayan ng Pandi ay hindi nakakasalalay lamang sa aming mga kamay. Ang tagumpay po ng bayang ito ay nakasalalay din sa kamay ng bawat isang Pandieno. Patuloy po ninyo kaming samahan sa panalangin at sa pangarap para sa ating bayan. Maraming maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa ating kick-off. Suportahan po natin ang mga susunod pang mga events at programa para sa ating week-long celebration.”
Narito naman ang programa para sa selebrasyon, simula April 10 hanggang April 17, 2023. DAY 1 MONDAY APRIL 10 Kick off Motorcade. Night Market Opening (People’s Park.) Tax Payers’s night. DAY 2 TUESDAY APRIL 11- Trade fair opening (Municipal grounds) Job fair/Livelihood program (Pandi Sports Complex) Gabi ng Parangal. DAY 3 WEDNESDAY APRIL 12- Kasalang bayan
Kick off: Battle of Kakarong De Sili Off road challenge Zumbayanihan. Day 4 THURSDAY- Battle of Kakarong De Sili Off road challenge. Binyagang Bayan
Hari at Reyna Pre-Pageant.
Tsk! Tsk! Tsk! Makilahok. Makisaya. Sumuporta!