PITONG sundalo ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa Northern Samar ayon sa Philippine Army (PA) nitong Martes, Hulyo 5, 2022.
Ayon sa PA’s 8th Infantry Division (8ID), dalawa sa mga ito ang nasa kritikal na kondisyon.
Naganap ang pagsabog sa bayan ng Mapanas sa Northern Samar Martes ng umaga.
Ayon kay Maj. Gen. Edgardo de Leon, commander of the 8ID, ang tropang sundalo ay nagsasagwa ng kanilang community service sa nasabing lugar nang maganap ang pagsabog.
nabatid na mga rebelde ang hinihinalang may kagagawan ng insidente kung saan sugatan ang pitong mga sundalo na pansamantalang di pinangalanganan.
Nagtamo ang mga biktima ng multiple shrapnel wounds sa kanilang mga katawan at mukha at mga sugat sa ulo.
“Initial revelation of injured soldiers that there were four APMs that exploded. They were entering the village where the rebels put the APMs under the foot of a coconut tree,” wika ni De Leon.
Ang mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front ay n kabilang sa terrorist organization ng bansang Amerika, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at saPhilippines.