Ano ba ang kahalagahan ng Advisory group sa Philippine National Police (PNP?) Bakit dapat ipabatid ito sa taumbayan? Ito ay upang ganap na maisakatuparan ng maayos at madama ng Sambayanan, ang kapayapaan at kaayusan sa ating kapaligiran, sa ilalim ng pamamahala ng pulisya, ito ay nangangailangan ng patuloy na patnubay at pagpapayo mula sa Advisory group o Council na binubuo ng mga respetadong miyembro sa akademya, relihiyon, MEDIA, negosyo, kabataan at iba pang sector ng lipunan.
Ang Advisory group o grupo ng mga tagapayo ay mga boluntaryong sumusuporta sa isang organisasyon tulad ng sa PNP. Tumutulong sa pulisya sa pagtukoy ng priyoridad at estratehikong isyu o suliranin alinsunod sa PNP ITP-PGS (PATROL Plan 2030) at magbigay ng mga pananaw sa paghahanay ng mga patakaran, plano at programa ng PNP sa mga pangangailangang pampulitika, sosyo-ekonomiko, kultura at moral na pag-unlad ng organisasyon.
Sino ang lumikha ng National Advisory Council sa Pilipinas? Batay sa tala, ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ay nilikha sa pamamagitan ng Republic Act (RA) No. 7640 na inaprubahan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos noong Disyembre 9, 1992.
Ano ang Republic Act number 7640? Bilang isang Consultative at Advisory body sa Pangulo, bilang pinuno ng pambansang ahensya ng ekonomiya at pagpaplano, para sa karagdagang mga konsultasyon at payo sa ilang mga programa, at patakaran na mahalaga sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng pambansang ekonomiya. Mula sa nasyunal ay sumanga ito hanggang sa iba pang sangay ng pamahalaan.
Igawi natin sa panglalawigan ang isyu. Ano ang Provincial Advisory Group on Police Transformation and Development (PAGPTD.) Ang PAGPTD ay inorganisa upang suportahan ang PNP sa matagumpay na pagpapatupad ng PNP PATROL PLAN 2030. Ano ang pangunahing agenda ng patrol Plan 2030? Upang patibayin ang mga kakayahan ng institusyonal ng PNP sa pamamagitan ng pagpapabuti ng pagkakaugnay-ugnay at kahusayan ng administratibo at pagpapatakbo; at palakasin ang mga istasyon ng pulisya na may layuning pahusayin ang kalidad ng mga serbisyo ng pulisya at relasyon sa komunidad.
Dahil dito ay nagkaisa ang Provincial at Municipal Advisory Group na suportahan at ayusin ang imahen ng pulisya sa paningin ng balana, gayundin sa kapakanan ng mga Alagad ng batas.. Naganap ito sa matagumpay na pulong ng Provincial Advisory Group on Police Transformation and Development, City of Malolos, ika-9 ng Pebrero 2023. Nagpasalamat sa naturang okasyon si P/Col Relly B. Arnedo, Police Prov’l Director Bulacan, kay Atty. Arlene Castro –Co, Chairperson ng PAGPTD, sa suportang ibinibigay ni Bulacan Gov. Daniel Fernando sa PNP , at sa lahat ng miyembro ng Advisory Group. Ilan sa nasabi ni Arnedo, ay ang kakulangan ng bilang ng kapulisan, kailangan mag-recruit pa, partikular sa Bulacan. Wika pa niya na nangunguna ang Region 3 sa implementasyon ng mga programa ng PNP, at malaki na ang ibinababa ng krimen sa Lalawigan. Suggestion niya sa Advisory Group.na i-konsider ang panukala na istraktura sa PNP. Enhance the human capability at ilagay ang maneuver Special Weapons and Tactics (SWAT) sa Police station.
Gayundin nagpasalamat si Atty. Arlene Castro –Co, Chairperson ng PAGPTD, wika niya na kailangan tulungan ang PNP, dahil iyun ang ating purpose. Tutulungan din niya na i-endorse sa NAPOLCOM ang structuring ng PNP, na nais ni P/Col Arnedo. “Nais kong makaiwan ng magandang legacy sa PAGPTD,” sa pagtatapos ni Atty. Castro-Co.
Tsk! Tsk! Tsk! Pasalamat tayo sa magagaling na emcee sa nasabing pulong na sina P/Cpl Michelle Miranda at P/Cpl John Mickey Tan. Mabuhay ang lahat!