Ang terminong ‘stay-at-home’ ay lagiang ginagamit sa isang paghihigpit para sa komunidad o buhay ng tao, na mamalagi sa kanilang pamamahay, kadalasan dahil sa mga panganib na kanilang kahaharapin o banta sa kanilang buhay. Dahil dito ang tulong o ayuda mula sa Pamahalaan ay lagiang inaasahan ng mga mamamayan na nasa kalagayang tinatawag na ‘lockdown.’
Kaya dito sa Bayan ng Pandi, Bulacan, ang mga mamamayan nito ay tuwang- tuwa, sa pagkakaroon ng masisipag at masisigasig na mga kawani ng mahalaan, sa pangunguna ng kinikilalang Hari ng Ayuda na si Mayor Enrico Roque, kasama sina Vice Mayor Lui Sebastian, Sangguniang bayan, Samahan ng mga Barangay Captains, Pulisya ng Pandi, Municipal Social Welfare Development Office, mga NGOs at isama na natin si Kgg. Ricky Roque, tumatakbong BOKAL ng ika-5 distrito sa Lalawigan ng Bulacan, na silang namamahagi ng tulong sa taumbayan.
Habang isinusulat ito, ang ayuda ay ‘ika-12 wave food packs distribution’ sa bayang naturan. Kaya kahit may ‘lockdown’ ang taumbayan ay nakasisigurong makatatanggap sila ng agaran at mabilis na ayuda mula sa Pamahalaang bayan ng Pandi, sa pamumuno ng may malasakit na Punong bayan na si Kgg, Enrico ‘Rico’ Roque.
Tsk! Tsk! Tsk! Iba ang kilatis ng kasalukuyang Mayor ng Pandi, kung baga sa baraha ay laging ‘alas.’ Ika nga ni Roque, noong siya ay ating makapanayam, basta makita lamang niya na may mga ngiti sa labi, at nasa maayos na kalusugan ang mga taong sumasalubong sa kanya ay lalong nadadagdagan ang kanyang lakas sa pagtulong. Kapag may mga karamdaman naman ay agad niyang pinupuntahan ng personal para madalhan ng tulong pinansyal at iba pang pangangailangan. Kahit na matagal ko na rin na hindi nakaka-kwentohan si Roque ng personal, ay dama ko na hindi niya pababayaan ang mga Pandienos. Mabuhay ka Mayor Roque!
***
Batid po ba ninyo na lagiang abala ang mag-asawang sina Mayor Arthur at Congw Rida Robes, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, para masiguro na maayos ang kalagayan ng kanilang nasasakupan? Ating napag-alaman na personal nilang sinuri ang itinatayong St. Bernadette Children’s Hospital, sa San Jose Heights, Barangay Muzon, LSJDM, kamakailan.
Sinisiguro na naisasagawa ng maayos ang proyektong ito, na makapagbibigay ng mahusay na serbisyo medikal para sa bawat pamilyang San Joseño. Kasama nilang mag-asawa sa inspeksyong isinagawa, sina Dra. Roselle Tolentino ng City Health Office at kawani ng City Engineering Office.
Tsk! Tsk! Tsk! Masipag itong si Mayor Robes at Congw Rida Robes, lagiang naka-ARya sa pagtulong. Kaya itong si July Puddoc, naninirahan sa LSJDM, ay laging nagsasabing walang kaparis ang mag-asawang Robes, pagdating sa serbisyo publiko. Hanggang sa muli! Mabuhay po kayo!