Nitong nakaraang ilang araw ay ipinagdiwang ang Buwan ng Nutrisyon sa Lalawigan ng Bulacan. Itinaguyod ang kabutihan ng nutrisyon, sa buhay ng tao.
Ang pagdiriwang ng nasabing okasyon at paglulunsad na isulong ang mabuting nutrisyon sa lahat ng yugto ng buhay, ay pinangunahan nila Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro.
Ang kahalagahan ng Nutrition Month na may malusog at mga aktibidad na may kaugnayan sa nutrisyon para sa mga bata ay iginiit ni Gov. Fernando, sa pagsasabing. “ang mabuting nutrisyon ay ang pundasyon ng kaligtasan at pag-unlad ng bata. Ito ay makatutulong sa kanilang paglaki at pag-aaral, dapat silang alagaang mabuti para sa kanilang kinabukasan bilang pag-asa ng lalawigan at bansa.”
Tsk! Tsk! Tsk! Ano nga ba ang kabutihang na naidudulot ng Good Nutrition, batay sa ating nakalap, ito ay ang pagsasanay ng pagkonsumo ng mga pagkaing nagbibigay ng mga kinakailangang sustansya, bitamina, at mineral na kinakailangan para sa pinakamainam na paggana ng katawan. Heto pa, ang Mabuting Nutrisyon ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagpapanatili ng isang malusog na pamumuhay at pag-iwas sa iba’t ibang mga sakit. Kaya dapat lamang na bigyan ng pansin ang naidudulot ng mabuting nutrition.
***
LALAWIGAN NG BULACAN AYAW SA POGO
Nakatanggap tayo ng ulat na ang 11th Sangguniang Panlalawigan sa Lalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ni Vice Gov. Alexis C. Castro ay nagmungkahi ng ordinansa na hindi payagan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa loob ng territorial jurisdiction ng lalawigan sa pagdinig ng komite, na ginanap sa Benigno Aquino Session Hall sa Lungsod ng Malolos, kamakailan. Ang hakbang na ito ay ginawa ng legislative body ng lalawigan kasunod ng mga ulat ng paglaganap ng POGO operations na nagdulot ng iba’t ibang isyu sa lipunan, ekonomiya, at seguridad sa buong bansa.
Tsk! Tsk! Tsk! Makatuwirang ipagbawal ang POGO sa lalawigan ng Bulacan. Ang desisyon ay ginawa batay sa ilang mga kadahilanan at alalahanin na ibinangon ng mga lokal na opisyal at awtoridad. Kasama sa mga alalahaning ito ang mga isyung panlipunan tulad ng human trafficking, torture, money laundering, kidnapping, prostitusyon, at iba pang krimen na nauugnay sa mga POGO. Bukod pa rito, may mga ulat ng mga kriminal na aktibidad na nangyayari sa loob ng mga pasilidad ng POGO sa mga kalapit na probinsya tulad ng Pampanga at Tarlac, kabilang ang paggamit ng ilegal na droga, prostitusyon, at online scamming. Ang ordinansang iminungkahi ni Vice Gov. Alexis Castro ay suportado ni Gobernador Daniel Fernando na naglalayong pigilan ang mga negatibong epektong ito na makaapekto sa Bulacan.
Kung isasaalang-alang ang mga potensyal na panganib at negatibong epekto na nauugnay sa POGO, makatuwirang ipagbawal ang mga offshore gaming operator na ito sa lalawigan upang pangalagaan ang kapakanan ng publiko at mapanatili ang batas at kaayusan. Hanggang sa muli.