Alert level sa kalapit probinsiya sa Metro Manila hiniling itaas

Photo courtsey CNBC
MUNGKAHI ng independent group OCTA Research sa kinauukulan na ikonsidera ang pagsailalim sa mas mataas na alert level ang mga kalapit-probinsiya ng Metro Manila dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
 
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David kabilang si binanggit na lalawigan na classifed nearby provinces ng Metro manila ay ang Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna na nasa moderate risk – with an observed rise in COVID-19 cases nitong nagdaang holidays.

“We could consider talaga na baka pwedeng maitaas yung (to increase the) alert level. It’s just a possibility na pwede nilang i-consider na itaas yung (that they can consider in raising the) alert level in these other areas. We’re not just protecting the region, but we’re also protecting the other provinces,” ayon kay David sa panayam ng CNN Philippines’ Newsroom Weekend nitong nakaraang Sabado.

Base sa datos ng OCTA, ang infection rates sa Metro Manila at sa apat na kalapit-probinsiya ay nasa critical levels na habang ang Batangas ay nasa “high” at ang Pampanga ay nananatili sa moderate.

Ang mungkahi ni David ay matapos ianunsiyo ng pamahalaang nasyunal ang pagsasailalim sa Metro Manila under Alert Level 3 mula  Jan. 3-15 dahil sa banta ng local Omicron cases. 
Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque earlier, hindi pa nila maikokonsidera na itaas ang alert level ng nasabing mga probinsiya kung saan aniya– “as cases there are not yet rising exponentially.”
Payo ni David ay magpabakuna kontra Covid-19. Aniya ang Omicron cases sa mga bakunado na sa ibang bansa ay iniulat na pawang mga mild at asymptomatic.

Hindi natin kailangang magsara ng ekonomiya kung ang karamihan ng cases ay  mild or asymptomatic,” wika ni David.

(Source: CNN Philippines)