Nakatanggap ang Katropa ngayong hapon ng Martes, ng sumbong mula sa Aktor ng Pelikulang Pilipino na si Dan Alvaro, na siya ay nabigla ng mabatid niya na ang kanilang larawang mag-asawa kabilang ang anak na bagong silang, ay ginawan ng malalaswang pahayag at kahalayan sa isang ‘populat Social Media platform.’ Ang mga nasabing ‘photo shot’ na may masasama at bastos na salita ay naka-‘post’ sa isang ‘Twitter account,’ na ‘DADDIES’ at ‘I LOVE DADDY TIKTOKER.’
Narito ang ‘text message’ ni Alvaro sa kanyang mga kaibigan, “mga sis & bro maliit na pabor lang sana sa mga may ‘Twitter account’ diyan, na paki-report ang ‘account’ na ito. Ginagamit ang ‘picture’ ko maging ng asawa at anak kong ‘baby’ pa sa mga malalaswang post.”
“Ginagamit ang picture ko pati ni misis, dinamay pati ‘baby’ namin sa malalaswang post. Nagpalit Bro Vic na ng ‘username.’ Makisuyo na lang Bro Vic na mareport ang ‘account’ nya. ‘Di na sana namin ipo-‘post’ kaso isinama sa malaswang ‘post picture’ namin ni baby. Thanks Godbless,”patapos ni Alvaro.
Tsk! Tsk! Tsk! Ang gumagawa ng mga ganitong bagay ay isang abnormal at walang bait sa sarile! Bakit may mga ganitong nilalang? Naaatim nilang gawan ng masama ang kanilang kapwa, para sa kanilang pansariling kasiyahan?
Bro Dan Alvaro, kailangan ang tulong diyan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC,) isang ‘attached agency’ ng Department of Information and Communications Technology (DICT.)
Isa ito sa nangungunang ahensya sa pagsubaybay sa mga kaso ng cybercrime na pinangangasiwaan ng mga tagapagpatupad ng batas at mga ahensya ng pag-uusig, gayundin sa pagrekomenda ng pagpapatibay ng mga naaangkop na batas, pagpapalabas, hakbang, at patakaran alinsunod sa mandato nito. Bakit hindi mo subukan na kontakin ang ahensiyang ito, baka makatulong.
Kailangan matukoy kung saan ginawa ang ‘Social media account’ na nabanggit. Saan lugar nai-‘post’ ang nasabing kalaswaan, at anong panahon, at sino ang nasa larawan ng ‘account,’ at kung ano ang ipinalit na ‘username’ ng nag-‘post.’ Iyan ay mga posibilidad o pamamaraan lamang na maaaring gawin at baka makatulong sa pagisisyasat. Hinggil sa mga ganitong kaso, sa palagay ko bawat himpilan ng Pulisya ay meron silang ‘Cyber Crime desk,’ na silang umaasikaso sa mga kasong nabanggit. IPaalam mo sa pulisya, ng maitala ang kaso.
***
Napagalaman ng Katropa, na may isang panukalang-batas sa House of Representatives na naglalayong i-utos ang pagdadala at paggamit ng mga hindi nakamamatay na armas ng mga alagad ng batas.
Batay pa sa ulat, ang lahat ng tagapagpatupad ng batas, peacekeepers, security personnel, at jail officer ay kailangang magkaroon ng mga hindi nakamamatay na armas bilang bahagi ng kanilang karaniwang uniporme.
Tsk! Tsk! Tsk! Magandang panukala! Dahil sandatang hindi nakamamatay laban sa mga kriminal, dapat siguro na isama na mga lehitimong miyembro ng PRESS o MEDIA, gayundin ang mga kasapi ng Advisory Council sa bawat himpilan ng Pulisya, na magkaroon nito. I-‘train’ lamang sila sa paggamit ng naturang sandata. Hanggang sa muli!