‘AgaySenso Job Fair’ isinagawa sa Guiguinto

Maaari nang mag-apply ng trabaho gamit ang mobile phones at internet sa inilunsad na ‘AgaySenso Job Portal’ ng lokal na pamahalaan ng Guiguinto, Bulacan sa pangunguna ni Mayor Agay Cruz. Kuha ni ERICK SILVERIO
NASA 1,434 trabaho ang inilaan ng Pamahalaang Lokal ng Guiguinto, Bulacan sa isinagawang na ‘AgaySenso Job Fair’ sa pangunguna ni Mayor Agatha “Agay” Cruz katuwang ang Municipal Public Employment Service Office (PESO) na ginanap sa Guiguinto Municipal Athletic and Cultural Center (GMACC) nitong Biyernes, Agosto 5, 2022.
 
Ayon kay Municipal Administrator Elmer Alcanar, 125 na aplikante mula sa 719 job seekers na dumating ang direktang nabigyan ng trabaho habang ang iba ay dadaan pa sa interview ng kanilang employer.
 
May temang “Kaagapay Sa Buhay, AgaySensong Pamumuhay” ang nasabing programa ay matagumpay na naisagawa sa inisyatibo ni Mayor Cruz sa pakikipagtulungan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO) at Department of Labor and Employment (DOLE) kasama ang mga volunteers ng Barangay Training and Employment Coordinator (BTEC) at Government Internship Program.
 
Trabaho para asenso hatid ni Mayor Agay Cruz. Kuha ni: ERICK SILVERIO
 
Ayon kay Mayor Agay, nasa 20 ang mga local companies na nakibahagi sa programa kung saan ay 1,434 local jobs ang handog nito; isa naman ang overseas employer from UNO Overseas Placement Inc. na nagbukas ng 47 job vacancies at 115 jobs naman mula sa LGU-Guiguinto Community Based Monitoring System.  
 
 “Ang Pamahalaang Lokal ng Guiguinto ay nagsusumikap pong bigyan kayo ng mga pagkakataon para sa inyong mga pangarap sa buhay. Kami po sa pamahalaang bayan ay hindi mapapagod na humanap ng pamamaraan upang maging kaagapay ninyo sa inyong pag-unlad sa bahay,” ayon kay Cruz.
 
Pinasalamatan ng alkalde ang mga employer na lumahok na nagbigay ng oportunidad sa mga taga-Guiguinto gayundin sa mga sumuportang government agencies.
 
Kasabay ng nasabing programa ay ang paglulunsad ng ‘AgaySenso Job Portal’, sa pamamagitan nito ay maaari nang mag-apply ng trabaho gamit ang kanilang mobile phones at internet.
 
Ayon kay Guiguinto PESO head Emelita San agustin, ang mga naturang job openings ay handog ng mga ibat-ibang kumpanya gaya ng D’ Jobsite General Services Inc., Paramount Human Resource Multi Purpose Cooperative, Ajinomoto Philippines Flavor Food Inc., Alphatech Development Corp., Waltermart Supermarket Inc., Symanpro Manpower Service Contractor Corp., Universal Promo Specialists Inc., Universal APA Corp., Rising Hope Edutech Corp., BL Vet Clinic and Pet Salon, Centegra Technology Inc., Acabar Marketing International Inc., Mirof Resources Inc., Indophil Textile Mills Inc., Mets Logistics Inc., Crown Asia Chemicals Corp., and Our Builders Warehouse Inc.