NAIS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na mapabilang ang local government units (LGUs) bilang isa sa mga kinatawan o mandatory witness sa mga isinasagawang illegal drugs operations.
Ayon sa Kalihim, madalas sa mga drug-related cases ay nadi-dismis dahil walang presensya ng testigo sa inventory ng mga nasamsam na ebidensiya o di kaya ay bigo makadalo sa mga court hearings.
“In Mandaluyong City, when my wife was the mayor, she assigned a lawyer that is solely tasked as witness and back police anti-narcotics operations to satisfy the requirement of the law,”ayon kay Abalos.
Nabatid na nakipagpulong si Abalos sa local government operations officers sa rehiyon upang ipaabot ang rekomendasyon sa mga alkalde hinggil sa pagkakaroon ng presensiya ng LGU sa mga drug operations.
Napag-alaman na kalimitan o “most common witnesses” sa mga drug raids ay police officers, village officials, at mamamahayag.
“Republic Act 10640 requires the presence of these witnesses primarily to establish the chain of custody and remove any suspicion of switching, planting, or contamination of evidence,” ayon sa ulat.
Nakipag-ugnayan na rin si Abalos kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para kalabitin ang LGUs na magtalaga ng city o municipality representative na sasama sa police anti-narcotics units sa panahon ng operasyon.