DRT BIBIGYAN PANSIN NI GOV. FERNANDO, PARA SA MGA MAMUMUHUNAN

TILA mapalad ang panahon ng Administrasyon ni Governor Daniel Fernando, Lalawigan ng Bulacan, ng makipag-ugnayan ang mga mangangalakal na Koreano, at naghain ng kanilang naisin sa butihing Gobernador na makapagpatayo ng negosyo sa nabanggit na Lalawigan.

Sa nasabing pulong ay sinabi ni Fernando na ito ay pasimula pa lamang, at sa higing ng kanyang pananalita ay kanilang masusing pagaaralan ang mga balakin ng mga mamumuhunang banyaga. Atin rin narinig sa isang panayam, na kaniyang bubuksan sa mga ‘investors,’ sa hinaharap ang lugar ng Dona Remedios Trinidad (DRT,) na posibleng bigyan pansin ng mga mamumuhunang banyaga.

Tsk! Tsk! Tsk! Mabuting senyales sa Adminitrasyon ni Gov. Fernando. Muli ang aking pagbati.

REKLAMONG BINABALIWALA, INILAPIT SA MEDIA

Bigyan pansin natin ang reklamong idinulog sa atin ng isang mambabasa ng ating malaganap na Kolum. Narito po ang hinaing ng naghahanap ng pagintindi at katarungan, na tila nababaliwala ang kanilang mga panawagan, basahin po natin: “Hi Sir Vic, puwede nyo po ba kami maisama sa balita ninyo? Iyung problema namin sa ‘Lumina homes.’ Buong Pilipinas po na may Lumina may problema, daig pa namin ang nai-scam. Walang aksyon sa mga reklamo namin, baka po kung sakaling magkaroon ng ‘media attention’ ay mapansin ang reklamo namin. Salamat Sir.

May pahabol pa ang nagrereklamo, “Iba’t ibang lugar po kami eh. Ako po sa Lumina Baliwag, Yung iba po, Lipa, Batangas, Tanza, Cavite, Bataan, La union, Tuguegarao at Cabanatuan.”

Tsk! Tsk! Tsk! Ang reklamo ay ‘delay occupancy’ ng mga bahay! Totoo po ba ito?  Isa pa ang ‘Illegal’ na pagpapataw ng ‘penalty’ sa mga ‘buyers’ kahit ‘developers fault po?’ Totoo po ba ito? Hinihingan natin ng paliwanag ang Lumina Homes, partikular na dito sa Baliwag. Ipadala ang inyong panig sa reklamong iniuukol sa inyo. Totoo po ba iyun at bakit nagkaganoon? Sana ay maayos po ninyo ang sigalot na ito. Narito po ang email ng Katropa: [email protected].

Panunumpa sa Tungkulin. Makikita sa larawan na pinangunahan ni Mayor Arthur Robes (gitna) ang mga nahalal na Opisyal ng Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan, Brgy Minuyan, kamakailan.

IBAYONG PAGLILINGKOD PA SA MGA SAN JOSENIOS

Naging matagumpay ang idinaos na panunumpa sa tungkulin ng mga Halal na Opisyal ng Natatanging Distrito ng Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan, gayundin ang pagdaraos ng masayang kaarawan ni Congresswoman Rida Robes, asawa ni Mayor Arthur Robes, ng nasabing Lungsod, na ginanap sa City Sports Complex, Brgy. Minuyan, CSJDM, ika-27, Hunyo, 2022.

Narito ang pasasalamat ni Mayor Arthur Robes, “maraming salamat po sa inyong muling pagtitiwala, pagmamahal at suporta. Makakaasa po kayo na sa aming ikatlong termino ay amin pa pong pag-iibayuhin pa ang paglilingkod sa bawat Pamilyang San Joseño! 

Tsk! Tsk! Tsk! Iyan po sila Mayor Art at Congresswoman Rida Robes, lagiang magkabalikat sa serbisyo para sa kapakanan ng pamilyang San Josenios. ARya San Josenio!