Tinatayang nasa 300 mga katutubo o Dumagat na nakatira sa Angat Dam Watershed sa Bulacan ang tumanggap ng maagang pamasko mula sa programang Duterte Legacy Barangayanihan Caravan Towards National Recovery na ginanap sa Sitio Dikes, Barangay San Lorenzo sa Norzagaray at sa Sitio Iyak, Barangay Kabayunan sa Dona Remedios Trinidad sa Bulacan nitong Biyernes, Nobyembre 5.
Ang nasabing caravan’s Christmas gifts distribution ay mula sa inisyatibo ni Police Regional Office 3 – Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3) Force Commander PCol. Fitz Macariola sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP)s Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Bukod sa pamimigay ng mga regalo ay nagkaroon din ng feeding activity kung saan pinakain ang mga katutubo ng masrap na lugaw.
Ang nasabing early Christmas gifts distribution ay bahagi ng RMFB3 Barangayanihan’s “Help and Bank” theme katulong ang mga private business sectors at local government units (LGUs) sa Central Luzon na sumuporta sa naturang programa.
Ayon kay Macariola, ang mga Dumagat tribe beneficiaries sa Sitio Dikes ay nasa 230 indigenous families kung saan ang mga ito ay nakatanggap ng mga used clothes, pairs of slippers, mga laruan at school supplies bukod pa ang mga relief goods na naglalaman ng bigas, noodles at mga delata, habang kapareho rin nito ang mga tinanggap ng 70 families sa Sito Iyak kung saan nadagdagan ito ng 6 solar lamp posts.
“Ito po ay programa ng pamahalaan katuwang ang kapulisan para ihatid ang mga tulong at proyekto ng gobyerno para sa mga kababayang katulad ninyo na nasa mga liblib na lugar,” wika ni Macariola.
Ayon kay NTF-ELCAC Ambassador Franz Liam Arabia at spokesperson ng KKDAT National na siyang isa sa mga guest speaker, ang programa ay naglalayong ihatid ang mga magagandang programa at nagawang proyekto ng administrasyong Duterte na nakapagbibigay ng magandang serbisyo sa mamamayang Pilipino.