Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Apat na drug suspek na pawang mga Chinese nationals ang napatay sa ikinasang anti-illegal drug operation na nauwi sa madugong engkuwentro kung saan tinatayang P262-million halaga ng shabu ang nakumpiska sa Glarodia St., Punta Verde Subdivision, Barangay Pulung Cacutud, Angeles City nitong Lunes ng umaga, Oktubre 18.
Ayon kay PRO3 Regional Director PBGen Valeriano De Leon, bandang alas-10:00 ng umaga nang ikasa ng joint operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office3 (PDEA RO3), PDEA-Intelligence and Investigation Service, PDEA-Special Enforcement Service, PDEA NCR, AFP Task Force NOAH, MIG41, NOLCOM, NICA, NCRPO Regional Intelligence Division, BOC, CIDG, DEU Angeles City Police Office, AC Police Station 3 ang buy bust operation na humantong sa madugong engkuwentro na ikinasawi ng 4 na Chinese nationals at marekober sa mga ito ang Php262 million halaga ng shabu.
Kinilala ni De Leon ang mga napaslang na suspek sa nasabing legit police operation na sina Cai Ya Bing, 29; Erbo Ke, 34; Huang Guidong, 43; at Wuyuan Shen, 41.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 38 kilograms ng hinihinalang shabu worth Php262,200,200.00; 4 na Caliber .45; 2 cellphones; isang weighing scale with charger; 4 piraso ng genuine Php1,000.00 marked money bills with Serial Numbers QY486563, GW864824, KK629848 and FT258962 at iba pang parapernalya.
“Your police together with the PDEA and other law enforcement agencies here in Region 3 will have no let-up on our crackdown on all forms of lawlessness especially illegal drugs amidst this pandemic as we continue to deliver excellent police services to the communities of Region III,” ayon kay De Leon.