Kawani ng CIAC tumanggap ng salary adjustments 

Print
CLARK FREEPORT ZONE — Tumanggap ng salary adjustments ang mga kawani ng Clark International Airport Corp. (CIAC) bilang tugon ng nasabing airport agency sa programang Compensation and Position Classification System (CPCS) ng national government.
CIAC P-CEO Aaron Aquino
Ayon kay CIAC President Aaron Aquino, ang nasabing state-run firm ay binigyan awtorisasyon ng Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations (GCG) para ipatupad ang CPCS sa ilalim ng Executive Order No. 150 na inaprubahan ni President Rodrigo Duterte noong October 1, 2021.

 

“CIAC management requested for a supplemental budget of Php17 million from the CIAC Board of Directors as well as from our parent company, the Bases Conversion and Development Authority, to fund the increase, both of which were approved,” ayon kay Aquino.

 

Layunin ng CPCSna maibigay ang standardized compensation package and Index of Occupational Services, Position Titles and Salary Grades sa GOCCs alinsunod sa Republic Act No. 10149  o ang GOCC Governance Act of 2011.

 

Ang pagpapatupad ng CPCS ng CIAC ay naging epektibo mula pa noong Oktubre 5, 2021 na nagpapataas ng basic salary ng mga empleyado base sa standardized salary structure.

 

“With the CPCS, we aim to attract and retain the skill set of our personnel while, at the same time, allowing GOCCs like CIAC to be financially sound and sustainable,” wika ng CIAC chief.