Fernando lamang sa lahat ng survey, Castro umangat na rin

Fernando-Castro
NANATILING lamang sa lahat ng isinagawang poll survey si Bulacan reelectionist Governor Daniel Fernando na mayroon overall average na 70% kontra sa 28% lamang ni Vice Governor Willy Alvarado sa buong lalawigan.
Sina re-electionist Governor Daniel Fernando, Vice-Gubernatorial candidate Bokal Alex Castro kasama si San Ildefonso re-electionist Mayor Carla Galvez-Tan sa kanilang grand motorcade kamakailan. Kuha ni: ERICK SILVERIO
 
 
Kabilang sa mga private groups at mga kumpanya na nagsagawa ng polling survey ay ang North Luzon Expressway (NLEX), Social Climate Research and Survey Group at maging sa mga legitimate online polls at mismong mga kandidatong chief executive sa mga bayan-bayan at lungsod kung saan si Fernando ang popular choice.
Gov. Daniel Fernando
 
 
Gayundin ang running-mate nito na si Board Member Alex Castro, tumatakbong bise gobernador na biglang umalagwa at lumamang na mayroon namang 71% kumpara sa kalaban nitong si former governor/ congressman Jonjon Mendoza na nasa 27%.
 
 
 
Sina Fernando at Castro ay kandidato sa ilalim ng partidong National Unity Party (NUP) habang sina  Alvarado at Mendoza ay sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN).
 
Lahat umano ng poll survey result  as of April ay lumalabas na majority ng mga Bulakenyo ay si Fernando ang kanilang top choice para sa pagka-gobernador at si Castro naman para vice-governor sa darating na May 2022 elections.
VG Alex Castro
 
Nabatid na nitong nakaraang Disyembre 2021 survey, si Fernando ay mayroon 63% na  respondents choice kontra sa 19% ni Alvarado habang si Mendoza nang panahong iyon ay lamang kay Castro ngunit ang kaniyang kalamangan ay hanggang sa buwan lamang ng Enero.
 
 
 
Pagpalo ng buwan ng Marso at Abril kung saan itinakda ang campaign period, napanatili ni Fernando ang kaniyang malaking kalamangan kay Alvarado habang si Castro naman ay nahatak ni Fernando at biglang umangat sa pangkalahatang survey kontra kay Mendoza.
 
 
 
Samantala, karamihan din sa  mga NUP mayoral candidates ay dominado rin sa survey bilang majority top choice sa kanilang mga lugar gaya nila re-electionists Mayor Carla Galvez-Tan ng San Ildefonso, Mayor Rico Roque ng Pandi; Patrick Meneses ng Bulakan; Jon Jon Vilanueva ng Bocaue; Lito Polintan ng Balagtas; Jayjay Santos ng Guiguinto; Ronaldo Flores ng Donya Remedios Trinidad (DRT); Jocell Vistan-Casaje ng Plaridel; Jumong Piadozo ng Angat; Reymalin Castro ng Sta. Maria at Merlyn Germar ng Norzagaray.
 
 
Para naman sa congressional race at people’s top choice sa kanilang distrito ay nangunguna rito sina Danilo “DAD” Domingo, (NUP) ng First District; Tina Pancho, (NUP) ng Second District; Cong. Lorna Silverio, (NUP) ng Third District; Cong. Linabelle Villarica, (PDP-Laban) ng Fourth District; Ambrosio Cruz Jr, (PDP-Laban) ng Fifth District; Fred Germar, (NUP) ng Sixth District at Cong. Rida Robes ng Lone District of San Jose Del Monte City.