“Parada ng Karosa” bumida sa ika-76 taon anibersaryo ng Pandi 

Ang karosa ng Barangay Mapulang Lupa ang tinanghal na grand champion kung saan nakamit nito ang premyong P500K worth of project na kaloob ng lokal na pamahalaan ng baya ng Pandi sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque kasama ang Sangguniang Bayan members  sa ginanap na ”Parada ng Karosa” kaugnay ng selebrasyon ng 76th anniversary ng nasabing bayan nitong Martes. Kuha ni: ERICK SILVERIO

LABING-LIMANG magagarbong mga karosa na gawa sa mga native crafts at recycled items ang lumahok sa “Parada ng Karosa” sa bayan ng Pandi, Bulacan sa pagdiriwang ng 76th founding anniversary ng pamahalaang bayan dito nitong Martes, Abril 19, 2022.


Ang mga nagsilahok na barangay ay ipinagmalaki ang kanilang creative at makulay na mga karosa kabilang ang 2 pang karosa mula sa mga kawani ng munisipyo sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque, Sangguniang Bayan at mga head departments.

Ang Barangay Mapulang Lupa ang tinanghal na grand champion SA GINANAP NA ”PARADA NG KAROSA” kung saan nakamit nito ang premyong P500K worth of project na kaloob ng lokal na pamahalaan ng baya ng Pandi sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque kasama ang Sangguniang Bayan members  at Team Puso at Talino at mga baangay officials sa ginanap na float parade kaugnay ng selebrasyon ng 76th anniversary ng nasabing bayan nitong Martes. Kuha ni: ERICK SILVERIO


Ayon kay Roque, 15 buhat sa 22 barangays ang lumahok sanasabing patimpalak.


“Ang Parada ng Karosa ay isa lamang sa mga activities ng Pandi sa pagdiriwang ng aming anibersaryo at ito ay weeklong celebration dahil mayroon din iba pa aktibidad tulad ng folk dance competition, battle of the bands, Binyagang Bayan, Kasalang Bayan, Hari at Reyna ng Pandi at Pandi Got Talent,” ani Roque.


Ang Parada ng Karosa ang isa sa mga highlights ng naturang weeklong celebration kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng alkalde. 


“Asahan po ng mga Pandieño na muli na naman sisigla ang bayan ng Pandi mula sa mga produktibo at masasayang activities tulad nito  na dalawang taon nahinto dahil sa pandemiya,” sabi ng alkalde.


Ang mga mananalo ay tatanggap ng 500K worth of project plus cash P100,000 sa grand champion; ang 2nd Place ay 300K worth of project plus P50,000 cash at ang 3rd Place ay 200K worth of project and P30,000 cash.


Ang tinaguriang grand champion ay ipinagkaloob sa Barangay Mapulang Lupa na sinundan ng Barangay Malibong Matanda bilang 2nd Place habang 3rd Place naman ay naiuwi ng Barangay Siling Matanda.

Ang nasabing weeklong celebration ay magtatapos sa  “Hari at Reyna ng Pandi 2022” awards sa Sunday.


Ang ganiting uri ng selebrasyon ay sinimulan ni Roque mula nang siya ay manungkulan bilang mayor taong 2010 kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.