Dumagsang supporters sa proclamation rally ng REYMALYN Team di totoong binayaran

PINABULAANAN ng REYMALYN Team sa pangunguna ng standard bearer nito na si mayoral bet Rey "Reymalyn" Castro ang kumakalat sa social media na babayaran o makatatanggap ng pera ang sino mang dadalo sa kanilang proclamation rally na gaganapin sa Bypass Road, Sta Clara, Sta. Maria, Bulacan ngayong Biyernes, Abril 2, 2022.


Ayon kay Castro, hindi umano totoo na magbibigay o makatatanggap ng pera/ allowance ang bawat dadalo sa nasabing proclamation rally.

MAYOR REYMALYN CASTRO at VICE MAYOR OBET PEREZ


“Wala pong katotohanan ang isyu na yan, unang-una ay mahigpit na ipinagbabawal po ng COMELEC ang maglabas ng pera ang sino mang kandidato. Ang aming isasagawang rally ay open sa lahat at boluntaryo sa mga nagtitiwala sa buong Team Reymalyn.


Ayon pa kay Castro, ang pagpapakalat ng maling impormasyon ay stratehiya ng kaniyang mga kalaban para siya ay siraan sa mamamayan ng Sta Maria.


“Syempre, kapag nagpunta ang mga tao at pinaasa mo tapos wala naman mapapala tiyak na magagalit syo,” ayon kay Castro.


Binigyan-diin ng Team Reymalyn na ang mga dadagsang mga taga-suporta ay pawang mga boluntaryo at nakikiisa sa magandang layunin na maghatid ng matapat, maayos at maka-Diyos na paglilingkod.

Ang mga bumubuo ng Team Reymalyn sa pangunguna ni Kap Rey Castro, kandidato bilang alkalde sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kasama ang mga kandidato na sina Obet Perez para bise alkalde, mga konsehales Froilan Caguiat, Christian Catahumber, Sonia Cristobal, Hector Hilario, Jayson Latube, Rica Mae Naquila, VJ Salazar at Ching Song. Kuha ni: ERICK SILVERIO


Kasama ng Team Reymalyn ang mga kandidato na sina Obet Perez para bise alkalde, mga konsehales Froilan Caguiat, Christian Catahumber, Sonia Cristobal, Hector Hilario, Jayson Latube, Rica Mae Naquila, VJ Salazar at Ching Song.