Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Arestado ang tinaguriang Top Most Wanted Persons sa buong bansa matapos ang mahigit 15-taon ng pagtatago sa isinagawang manhunt operation ng kapulisan laban sa suspek nitong Linggo sa Malolos City sa Bulacan.
Pinapurihan naman ni Police Regional Office 3 regional director PBGen. Mathew Baccay ang mga arresting operatives sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Maria Salome Crisostomo, 64, widow, national coordinator ng Philippines Against Child Trafficking (PACT), kasalukuyang nakatira sa Lucero St. Barangay Mabolo, Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Ayon kay Bulacan Police acting provincial director PCol. Manuel Lukban Jr. si Crisostomo ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Unit 4A (Lead Unit), RIU3, Malolos CPS, PIU, Bulacan, 1st PMFC, Bulacan PPO, Balagtas MPS, Delta Company 7Oth IB, and 7th ID PA sa isinagawang operasyon.
Nabatid na bandang alas-10:45 ng umaga nang salakayin ng mga nabanggit na operatiba na armado ng warrant of arrest ang tahanan ng suspek.
Ang suspek ayon kay Lukban ay mayroong standing Warrant of Arrest for the crime of Rebellion under Criminal Case No. 2006-554 na inisyu ni Judge Virgilio Alfajora, RTC Br 59, Lucena City dated June 28, 2006 with no bail recommended.
napagalaman na maraming beses na nakakalusot sa kapulisan ang suspek at mahigit 15 taon itong nagtago bago naaresto sa Bulacan.
“This is a clear message that Central Luzon is not a safe haven for criminals. I order the troops on the ground to step up manhunt operations in order to apprehend all wanted fugitives,” wika ni Baccay.