BBM-SARA UniTeam muling dumapo sa Bulacan

BBM-SARA UniTeam muling dumapo sa Bulacan
MULING dumagundong ang lalawigan ng Bulacan makaraang muling bisitahin ng “Leon at Agila” presidentiable Bong Bong Marcos at Vice presidentiable Davao City Mayor Inday Sara Duterte at ng buong team ng UniTeam ang lalawigan ng Bulacan sa isinagawang UniTeam Caravan/ Motorcade nitong Martes, Marso 8 sa Lungsod ng Meycauayan. Kasama sa larawan si 4th District Cong. Henry Villarica, Vice Mayor Joji Violago. Kuha ni ELOISA SILVERIO
Muling bumisita ang UniTeam sa lalawigan ng Bulacan kung saan mainit ang naging pagtanggap dito  ng libu-libong Bulakenyo sa tandem ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Bongbong Marcos at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa nalalapit na 2022 national at local elections matapos magsagawa ng whole-day campaign sortie nitong Martes, March 8.
 
Magugunita na eksaktong isang buwan nang isagawa rin sa Bulacan ang proclamation rally ng UniTeam sa Philippine Arena sa Ciudad De Victoria sa Bocaue, Bulacan.
 
Unang dumapo “Leon at Agila” ng BBM-Sara UniTeam sa bayan ng Guiguinto town kung saan halos nasa 25,000 ang dumagsa sa Municipal Oval dito kung saan sila ay mainit na sinalubong ng mga opisyal na kandidato ng Partido Demoktratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Bulacan sa pangunguna ni League of the Municipalities of the Philippines-Bulacan Chapter President Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz Jr. at Congressman Jonathan Sy-Alvarado ng First District.
 
Ang UniTeam ay agad naman dumeretso sa Meycauayan College Annex sa Barangay Malhacan, Meycauayan City at dito ay nagkulay pula at berde ang buong covered court ng mga supporters sa pangunguna ni 4th District Congressman Henry Villarica na kandidato bilang city mayor ng nasabing lungsod.
 
Lubos ang pasasalamat ni Marcos sa matinding init na pagtanggap ng Bulakenyo sa UniTeam.
Ayon kay Marcos sa lahat ng presidentiables ay siya ang pinakamapalad dahil nakasama niya si Sara Duterte at ang buong senatoriables na naniniwala sa kakayahan ng BBM-Sara tandem.
Katulad ni Marcos ay nagpasalamat din si Sara Duterte sa mainit na suporta ng mga Bulakenyo kung saan kapalit nito ay ihahatid ng UniTeam ang pagkakaisa at kapayapaan para sa bansa sakaling palarin sa nalalapit na election.
 
Mula sa Meycauayan City ay nagkaroon din ng caravan/ motorcade papunta sa bayan ng Sta. MariaThen a motorcade was followed from Meycauayan City going to Sta. Maria town para bisitahin ang libu-libong supporters dito ng BBM -Sara UniTeam.

Kasama ng BBM-Sara UniTeam ang mga senatoriables na sina Win Gatchalian, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Harry Roque, Loren Legarda, Dante Marcoleta, Herbert Bautista at Larry Gadon.