LIBRENG pagsasanay at kapital na puhunan para sa munting negosyo ang ipinagkakaloob ng Team Solid sa bayan ng Bocaue sa pangunguna nina dating punong bayan Mayor Jonjon Villanueva at former CIBAC Party List Congressman Sherwin Tugna.
Katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), kabilang sa handog na free skills training ng Team Solid ay ang siomai and dumpling and chili sauce making para sa 40-60 katao mula sa bawat barangay na nais makapagsimula ng simpleng negosyo.
Ayon kay Mayor Villanueva, kapatid ng yumaong si Mayor Joni Villanueva-Tugna, bukod sa libreng pagsasanay ay makatatanggap pa ng P2,500 puhunan ang mga mapalad na Bocauenos buhat sa 19 na barangay na mula sa sariling bulsa nina Villanueva at Tugna family.
“Ito ay isa lamang sa mga maraming naiwang programa ni Mayor Joni na muling binubuhay at itinutuloy ng Team Solid para sa mamamayang Bocauenos,” ayon kay Villanueva.
Sa panayam kay Cong. Tugna, asawa ni Mayor Joni at kasalukuyang tumatakbong vice mayor at ka-tandem ni Mayor JJV, nasa limang barangay na ang kanilang dinadalhan ng nasabing programa kabilang ang barangay ng Lolomboy, Bundukan, Taal, Tambubong at Batya.
Ayon kay Tugna, ang nasabing free skills training at handog puhunan ay patunay lamang na ang kanilang Team Solid hindi pa man nanunungkulan ay nagawa na ang ipinapangako pa lang ng kanilang mga katunggali.
“Ang mga programa at gawaing ito ay legasiya ni Mayor Joni na nakatatak na sa puso ng bawat Boacauenos na siya naming ipinagpapatuloy,” wika ni Tugna.
Kasama nina Villanueva-Tugna tandem ang bumubuo ng Team Solid na sina konsehal Alvin Cotaco, Noriel German, Mira Baustista, Takong Del Rosario, Jerome Reyes, Aries Nieto, Gigi Sal;onga at Ate J Nieto.