Nature-based Solution project ni Natividad kinilala ng Palasyo

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang North Manila Bay Nature-based Solution Pilot Project ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa ginanap na 2026 Galing Pook Awards na ginanap sa Malacañan Palace  noong Oktubre 21, 2026.

Ang Nature-based Solution ng Malolos na inisyatiba ni Mayor Christian D. Natividad ay kabilang sa Ten Outstanding Governance Programs na kinilala ng Palasyo sa ginanap na 2026 Galing Pook Awards na may temang “Islands of Hope: Local Innovations, National Inspiration,” kung saan ang sampung natatanging programa ay mula sa 208 entries ng 148 Local Government Units (LGUs) sa buong bansa.

Ang parangal ay ipinagkaloob kay Mayor Natividad dahil sa epektibong proyekto nito ang 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐡 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐁𝐚𝐲 𝐍𝐚𝐭𝐮𝐫𝐞-𝐛𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐒𝐨𝐥𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 (𝐍𝐛𝐒) 𝐏𝐢𝐥𝐨𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭: 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐍𝐚𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐢𝐧 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐌𝐚𝐥𝐨𝐥𝐨𝐬, ang kauna-unahang nature-based flood mitigation project sa Pilipinas.

Ang Galing Pook ay isang prestihiyosong parangal na kumikilala sa mga makabagong programa ng mga lokal na pamahalaan. Naglalayon itong hikayatin ang mga opisyal at komunidad na gumawa ng mga epektibo, malikhain, at likas-kayang solusyon sa mga problema na kanilang kinakaharap.

Ayon kay Natividad, ang proyektong ito ay ang naging hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos para matugunan ang suliranin ng Barangay Pamarawan mula sa pagbaha na dulot ng malakas na alon tuwing may bagyo o habagat. 

Ito ay matatagpuan sa 14-ektarayang coastal area na pinondohan ng city government ng P70-million ay siyang biggest nature-based solutions flood mitigation management project sa buong mundo.

Ito ay idinesenyo katuwang ang Netherlands Enterprise Agency (RVO), Rijkswaterstaat, at Dutch engineering firm Royal HaskoningDHV.

Nabatid na ang pangunahing materyales na ginamit dito ay sediment trapping units na gawa sa kawayan, breakwater na gawa sa balat ng talaba at mga coconet na siyang nagpapahina sa mga alon bago pa man tumama sa komunidad, at Green Embakment ay mga nabubuong putik mula sa mga alon na kalaunan ay magsisilbing natural na dike.

Sinabi ni Natividad na ang parangal na ito ay alay ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos para sa bawat isang Maloleño na isang pangarap na unti-unti nang natutupad.

“Sa pamamagitan ng tiwala, malasakit, at pagkakaisa, tayo ay patuloy na lilikha ng mas malawak pang pangarap tungo sa mas matayog pang tagumpay para sa ating dakilang lungsod,” wika ni Natividad.

Sa pamamagitan ng mga makabagong programa ng LGUs, mas napapahusay ang public services, napabibilis ang disaster response, at napapalawak ang opportunities sa livelihood, education, at healthcare para sa mas maayos na buhay ng mga Pilipino.

Ang Galing Pook Awards ay nagpapakita kung paano nagdudulot ng konkretong resulta ang good governance at local innovation, na direktang nakikinabang ang mga pamilya, magsasaka, kabataan, pasyente, at iba pang sektor sa pamamagitan ng mas mahusay na serbisyo at mas malawak na oportunidad.

Kabilang din sa 2026 Galing Pook Awards Ten Outstanding Local Governance Programs ay ang Project Denguerra – War on Dengue ng Baguio City;  Bataan E-Mobility ng Bataan Province;  Iloilo City Action and Resilience (ICARe) Center: Decentralizing Risk Governance ng Iloilo City; One Name, One Identity: Walang Maiiwan Pagayawan ng Pagayawan, Lanao del Sur;  KABAHAGI: QC’s Family-Governed Care for Children with Disabilities ng Quezon City; Building Spaces in a Spaceless City ng Valenzuela City; Del Carmen Farm-to-Spoon ng Del Carmen, Surigao del Norte; Kawsa sa Agrikultura ug Panginabuhian sa Barangay (KAAGAPAY) ng Davao del Norte Province at  Zero Illiteracy and Innumeracy Program for Mangyans (ZIIP) ng Oriental Mindoro Province.

Hinimok ng Pangulo ang mga LGU na patuloy na paghusayin ang kanilang mga programa at ibahagi ang mga successful initiatives upang magsilbing inspirasyon at modelo para sa iba pang lokal na pamahalaan.

“Resilient, safe, and sustainable communities begin with leadership like yours. Your programs have made your localities islands of hope, showing the country how local innovations become national inspiration. May you continue to lead with innovation, inspire other local governments to follow, and serve your communities with excellence,” pahayag ng Pangulo sa kaniyang inspirational message.