
Narito ang padalang ulat ng isang tagasubaybay, mula sa paaralang ayaw na niyang pabanggit, gayundin ang kanyang pangalan, isa siyang Guidance Counselor (GC), narito po: “Ito ay Isa lamang sa mga katanungan na dapat mabigyan ng sapat na kasagutan. Sa sunod sunod na mga pangyayari sa loob ng Paaralan na kung saan itinuturing na pangalawang tahanan at Ligtas na Lugar para sa atin ,tila yata nabago dahil sa sunod sunod na mga pangyayari at mga Bata ang biktima.
Maging handa sana tayo Hindi lang sa earthquake or fire drill ang sinasanay, dapat kasabay na din ang shooting drill upang maiwasan muli ang pagbuwis ng Buhay naming kabataan. Kung ang sabi ng ating bayaning Dr. Jose P. Rizal “Ang kabataan ang Pag asa ng ating Bayan” paano kami maasahan kung sa murang edad ay nalalagay kami sa mga panganib? Kung hindi kami pangangalagaan at nasa Ligtas na Lugar Lalo na sa panahon ngayon na halos social media ang malakas na contributing factor sa amin maging sa pag uugali, pakikipagkapwa, kilos at pananamit?
Subalit hindi pa huli ang lahat kung ang lahat ng ating mga magulang ay magkaroon ng paghihigpit sa pag bantay sa kanilang mga anak sa paggamit ng mga gadget, pagpasok sa mga sites na hindi pa angkop sa mga Bata, pagkakaroon ng guidance at monitoring sa mga palabas o laro.
Huwag pag sawaan bigyan ng paalala at gabay upang magkaroon ng discipline at takot at makaiwas sa mga violent behavior, kung itong mga ganito at ma implement sa loob ng tahanan maaaring hindi lumaganap ang mga ganitong karahasan, dahil ang Paaralan ay hindi nagkulang upang gabayan kaming mga Bata sa loob ng Paaralan.
Sa ngayon Ang ating mga Police ay romoronda sa mga schools upang maging safe ang paligid,nagkaroon ng Shooting Drill or Active Shooter Attack, ang bawat Paaralan ay nagbuo ng mga teams tulad ng mga guidance counselors for Psychosocial team for counseling sa mga makakaranas ng takot or trauma, meron first Aid team, Communication team at iba pa, pagkakaroon ng Prevention, preparedness, Protective and Recovering support.
Kaya sana hiling naming kabataan na Hindi muli maulit pa ang mga pangyayari.”
PROGRAMANG ANGKOP PARA SA MGA KABATAAN
Narito pa ang karagdagang ulat ng nasabing GC, narito po: “
Inilunsad ng Public Employment Service Office (PESO) ang Career Development Support Program noong Setyembre 14, 2026 sa isang pribadong paaralan upang magbigay ng sapat na paghahanda sa mga mag-aaral.
Tinalakay sa programa ang mga angkop na hakbang para sa kanilang kinabukasan — kabilang ang pagkakataong makapagtrabaho sa ilalim ng summer job upang mahasa ang kakayahan, matutong kumita, at maging makabuluhan ang kanilang bakasyon. Ibinahagi rin ang mga kursong in demand sa kasalukuyang merkado upang makapili sila ng larangang angkop sa kanilang mga potensyal, kasanayan, at talento. Tinalakay din ang mga iskolarship na maaari nilang pag-aplayan — malaking tulong sa panggastos, lalo na sa mga pamilyang hindi sapat ang kakayahan sa pagpapatuloy ng pag-aaral.
Naging matagumpay at makabuluhan ang gawain, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Guidance and Counseling Department ng nasabing paaralan.”
Tsk! Tsk! Tsk! Patuloy po lamang magpadala ng inyong lathalain, at iyan ay bibigyan natin ng pansin, Salamat Mam.





