
Naitala ng Pilipina tennis sensation na si Alex Eala ang pinakamalaking tagumpay sa kanyang karera noong Lunes Agosto 3 habang Martes naman ng hatinggabi sa Pilipinas, nang talunin ang world No. 3 na si Jessica Pegula ng Estados Unidos upang angkinin ang korona sa 2026 Mubadala DC Open.
Ito ang unang korona sa WTA singles para sa 21-taong-gulang na si Eala, na tinapos ang isang napakahusay na kampanya sa pamamagitan ng 4-6, 6-4, 6-0 na tagumpay sa finals.

Sa pag-abot sa finals, pinatalsik muna ni Eala ang defending champion na si Leylah Fernandez sa ikalawang round bago pinatalsik ang world no. 10 na si Elina Svitolina ng Ukraine sa last eight. Pagkatapos ay nalampasan niya ang dating world No. 1 na si Naomi Osaka upang makarating sa championship round.
Kinailangang bumangon ang Pilipina mula sa isang set na pagkatalo, kung saan ang mga finalist ay naharap din sa mahabang pagkaantala ng ulan upang i-reschedule ang laban nila Lunes sa Ameika at Martes ng hatinggabi naman sa Pilipinas (oras sa Maynila).
Nahuli si Pegula sa isang break sa unang set, 3-4, at naharap sa dalawang break point sa kanyang serve bago muling nag-comeback. Isang error at ace ni Eala ang nagtulak ng deuce, bago sinira ni Pegula ang isang forehand winner at naipasok ni Eala ang sarili niyang tira para itabla ng Amerikano ang iskor sa 4-4.

Nagpatuloy si Pegula sa pag-break kay Eala at nakuha ang opener o first set.
Nagpalitan ng tira ang mga manlalaro sa unang tatlong laro ng ikalawang set bago nasuspinde ang laro dahil sa ulan, kung saan nakatakdang mag-serve si Pegula.
Sa pagpapatuloy ng ikalawang set ay nakabawi si Eala kay Pegula sa score na 6-4. Sa ikatlong set, dito na nadomina ni Eala ang laro at kinain nito ng buhay si Pegula matapos ang tatlong break points ng pambato ng Pilipinas sa score na 6-0 upang ibulsa ang kampeonato.
Ito ang pangalawang WTA final ni Eala, matapos matalo nang masakit noong nakaraang taon sa Eastbourne nang matalo siya kay Maya Joint sa tatlong sets.





