Nielsen at Tumbado kampeon sa Media 9-Ball tournament sa Olongapo

Hinirang bilang kampeon sa Class A category si Sam Nielsen ng Super Radyo DZBB habang si Jeff Tumbado naman ng Bulgar sa Class B sa katatapos lamang na two-day 9-Ball Media Invitational Tournament na ginanap sa Ms. Cue Billiard Hall sa Bajac-Bajac, Olongapo City noong Abril 8-9, 2026.

Naging panauhing pandangal si Deputy Speaker Congressman Jay Khonghun ng First District of Zambales na siyang nanguna sa awarding ceremony kung saan pinasalamatan at nagbigay siya ng inspirational message sa mga mamamahayag na nagsilahok sa naturang tournament na double-knockout mechanics.

Zambales First District Representative Deputy Speaker Cong. Jay Khonghun

“Ang aktibidad na ito ay isang magandang pagkakataon upang higit pang mapagtibay ang samahan at pagkakaisa ng ating mga mamamahayag na patuloy na nagsisilbing haligi ng tapat at makabuluhang pagbalita sa ating mga komunidad”, wika ni Khonghun.

Nakuha ni Nielsen ang ang twice-to-beat incentive para sa Finals match matapos mamuno sa winner’s bracket at gapiin si Joseph Parafina, former PTV-4 newscaster/ reporter sa kanilang tagpo sa Race to 5 sa Finals sa score na 5-2 habang si Erick Silverio naman ang 3rd placer.

Gayundin ang senaryo para kay Jeff Tumbado at talunin si Henry Empeno ng Business Mirror sa kanilang Race 3 sa Finals ng Class B category habang 3rd placer naman si Jonas Reyes ng Daily Tribune.

Ang mga hinirang na kampeon ay tumanggap ng P10,000 each plus trophy, P7,000 sa 1st runner-up at P5,000 naman sa 2nd runner-up.

Tumayo bilang mga tournament organizers sina Jojo Perez ng Radyo Bandera Olongapo, Mhike Cigaral ng RMN DZXL at Alex Galang ng Frontpage PH kung saan pinasalamatan nila ang lahat ng nag-participate na mamamahayag na nagmula sa iba-ibang media outlet sa print, broadcast at social media platforms.