Dubai travel ng Bulacan vice mayors iimbestigahan

Posibleng imbestigahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission On Audit (COA) ang mga vice mayors sa lalawigan ng Bulacan na bumiyahe patungong Dubai, Unite Arab of Emirates matapos ang panibagong isyu na kumakalat ngayon sa social media na ang kanilang pagbiyahe ay personal pero may na-release umanong government funds.
Nabatid sa nasabing post sa social media kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque kung saan sinasabi rito na mayroon pinirmahan ang alkalde na travel authority para sa kaniyang bise alkalde na si Vice Mayor Cris Castro.
Base pa sa panayam, tinanong ang alkalde kung totoo na naglabas ng P500K na public funds ang mga vice mayor para sa naturang Dubai travel na kinumpirma ng alkalde  na naglabas si Castro ng P500K.
Kinumpirma sa Centro News ni Roque ang usapin sa halagang P500K pero giit nito na hindi siya sure if sa nasabing Dubai travel ito ginamit ni Castro.
Nauna rito sa panayam kay DILG Secretary Jonvic Remulla sa isang press conference, kinumpirma nito na may mga Bulacan vice mayors ang na-stranded sa Dubai dahil sa namamagitang sigalot o giyera sa pagitan ng United States of America (USA), Israel laban sa Iran.
Dito ay binanggit ni Remulla na ang mga vice mayors ay may mga travel authority at personal na pagbiyahe at gastos ng mga bise alkalde mula sa kanilang mga sariling bulsa ang ginastos ng mga ito na taliwas sa mga lumalabas sa social media na mayroong 500k ni-release mula sa government fund.
Dahil dito, hindi malinaw kung ang nasabing pagbiyahe ng mga lokal na opisyal ay official o personal at bakit may pondong inilabas at saan ginamit ito.
Dapat umanong imbestigahan muli nina Sec. Remulla at ng COA ang nasabing usapin para malinawan kung mayroong nalustay na pondo sa nasabing Dubai travel.
Samantala, habang isinusulat ang balitang ito, sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag dito ang COA, DILG-Bulacan Provincial Director Myrvi Fabia at maging si Baliwag Vice Mayor Ferdie Estrella, President ng Bulacan Vice Mayors League of the Philippines at Pandi Vice Mayor Cris Castro
Nabatid pa sa source as of March 7 ay pito pa lang sa 11 vice mayor na stranded ang nakakabalik sa Pilipinas habang ang 4 ay ngayong Sabado inaasahang darating sa bansa.