982 Bulakenyos nakinabang sa medical mission ng SM Foundation

Binigyan ng libreng gamot at konsulta ang mga residente mula sa bayan ng Marilao, Bulacan sa isinagawang SM Foundation medical and dental mission sa SM City Marilao.

BULACAN- Pinangunahan ng SM Foundation ang isang medical at dental mission sa SM City Marilao, kung saan nasa 982 residente ng Bulacan ang nakatanggap ng libreng pangangalagang medikal mula sa nagsama-samang mga boluntaryong doktor, health workers, at iba pang mga propesyonal sa medisina noong Pebrero 26, 2026.

Ang misyong ito ay nagbigay ng iba’t ibang serbisyo upang mapataas ang akses sa pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang pagsubaybay sa presyon ng dugo, mga pangunahing pagsusuri sa laboratoryo tulad ng uric acid, kolesterol, hemoglobin, screening ng asukal sa dugo, bone scan, pagsusuri sa ENT at mata, pati na rin ang mga konsultasyon at operasyon medikal at dental.

 

Libreng konsultasyon ang ilan sa mga ipinagkaloob na helath services sa ginanap na medical and dental mission ng SM Foundation sa SM City Marilao.



Bukod pa rito, nag-alok ang SM Foundation Mobile Clinic ng mga libreng serbisyong diagnostic sa mga pasyente, tulad ng X-ray at electrocardiogram (ECG) examinations.

Libu-libong libreng gamot at iba pang suplemento sa kalusugan ang naibigay din sa medical at dental mission.

Ngayong taon, kabilang sa mga proyekto at boluntaryong katuwang ng SM Foundation ang Philippine National Red Cross—Bulacan Chapter pati na rin ang Pamahalaang Munisipal at mga Tanggapan ng Kalusugan ng Munisipyo ng Marilao.

Ang Gamot Para Sa Kapwa Medical and Dental Mission ng SM Foundation ay ang socio civic arm ng SM Group of Companies na naglalayong magbigay ng mga pantulong na serbisyo sa mga komunidad na may limitadong access sa mga serbisyong medikal.

Layunin din nitong magbigay ng agarang benepisyo sa ngipin sa mga pasyenteng mahihirap sa loob ng mga mall.