Fernando, Castro nagbigay ng cash assistance sa 87 pamilyang nasunugan sa Marilao

BULACAN-Personal na dinalaw nina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro sa evacuatuion center ang nasa 87 pamilya na nasunugan upang ipagkaloob ang tulong pinansyal at emergency kit sa Barangay Lambakin, Marilao nitong Lunes, Pebrero 16.
 
Ang isinagawang distribution ay pinangunahan nina Fernando at Castro sa pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Roweno Tiongson sa covered court ng Barangay Lambakin.
 
Pinangunahan nina Governor Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro kasama si Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Head Rowena Tiongson (kaliwa) ang pamamahagi ng cash assistance, 1 cavan of rice, food packs at emergency kit sa 87 pamilyang nasunugan sa bayan ng Marilao, Bulacan na ginanap sa Barangay Lambakin Covered Court noong Pebrero 16, 2026. Kuha ni: ELOISA SILVERIO
 
Ayon kay Tiongson, may inilaan na P10,000 cash assistance, isang kaban bigas, food packs at emergency kit ang Pamahalaang Panlalawigan bukod pa rito ang additional P5,000 cash assistance mula sa sariling bulsa nina Fernando at Castro.
 
Nabatid na P10k ang matatanggap ng totally damaged habang P5K naman sa partially damaged.
 
Ang 87 pamilya ay mula sa tatlong barangay na nasunugan kamakailan kabilang na ang 79 pamilya mula sa Barangay lambakin,  6 pamilya sa Barangay Sta Rosa 1 at 2 pamilya naman sa Barangay Loma De Gato.