Bangkay ng nawawalang anak ng babaeng pulis na pinaslang, natagpuan sa Tarlac

Natagpuan na rin ang 8-taon gulang na si John Ysmael Mollenido, ang anak ng pinaslang na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mellenido sa isang liblib na lugar sa Victoria, tarlac noong Huwebes ng hapon.
 
Nakabalot sa packing tape ang bangkay ng bata nang matagpuan sa isang madamong lugar.
 
Siya ang nawawalang anak ng pinaslang din na policewoman na kamakailan ay natagpuang nakasilid sa garbage bag sa bypass road sa Barangay Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan.
 
Kinumpirma ng ama ng biktima na si John Mollenido na anak nito ang natagpuang bangkay balot ng plastic sa Barangay Maluid sa Victoria, Tarlac.
 
Ang mag-ina ay kapwa huling nakita magkasama noong Enero 16 at iniulat na nawawala noong Enero 19. 
 
Nabatid na pumunta umano ang mag-ina sa Quezon City upang katagpuin ang isang ahente kaugnay ng ibinebentang sasakyan.
 
Itinuring ng kapulisan na Person of Interest ang ahente ng sasakyan gayundin ang dating aswa ng biktima na isa ring pulis. sa huling kaganapan ay iniulat na hindi na matapuan sa ngayon ang ahente ng sasakyan.
 
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Kapulisan hinggil sa kaso.