Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa media na patuloy na tulungan ang publiko na maunawaan ang mga kasalukuyang reporma ng pamahalaan, na aniya’y mahirap ipaliwanag sa karaniwang mamamayan na hindi nakatuon sa mga usaping istruktural.
Nagpasalamat ang Pangulo sa mga mamamahayag, partikular sa mga kasapi ng Malacañang Press Corps (MPC), sa kanilang papel sa pagpapaliwanag ng mga komplikadong polisiya sa nakalipas na tatlo’t kalahating taon, at binigyang-diin na kailangan ng administrasyon ang media bilang katuwang sa pagbibigay-kaalaman sa publiko.
“So I thank all the members of the Malacañang Press Corps, because you have been there with us all the way. And this is not an easy thing to explain to the average citizen because they’re not concerned about structural change and ideological ideas. They are just concerned about their everyday lives,” ang sabi ni Pangulong Marcos sa mga miyembro ng MPC nitong Miyerkules.
Una nang ibinunyag ni Pangulong Marcos ang mga iregularidad sa mga proyekto sa flood control at imprastruktura sa kanyang Ika-apat na State of the Nation Address noong Hulyo 28, 2025, na nagbunsod ng imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa ilang indibidwal na sangkot sa pang-aabuso ng pondo ng bayan.
Aminado ang Pangulo na hindi lahat ay sasang-ayon sa mga reporma, subalit iginiit niyang kailangang ipagpatuloy ito ng pamahalaan at maiparating ang komunikasyon sa publiko sa kabila ng ingay sa pulitika.
Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng karanasan sa pamamahayag, na aniya’y nakapagbibigay sa mga reporter ng malalim na kaalaman at pananaw matapos ang maraming taon ng pagbabalita tungkol sa pamahalaan, pakikipag-ugnayan sa mga source, at pagsusuri sa mga pambansang isyu.
Itinampok ng Pangulo na mahalaga ang ganitong may kaalamang pamamahayag sa panahong ang iresponsableng nilalaman at mga teoryang konspirasyon sa online ay nagkakaroon ng kaparehong antas na nakikita ng publiko.
“Fake news has taken too much of the space. In the beginning we thought it was funny, it was entertaining, but now it’s become damaging. And that is something that we have to be concerned about,” ani Pangulong Marcos.
“And that’s why I’m saying, we need your help. Government needs the help of all the media to try and explain to people that you have to be more discerning about what you read and what you believe and what you take on.”
Nanawagan ang Pangulo sa mga mamamahayag na tulungan palakasin ang media literacy sa pamamagitan ng paghikayat sa mga tao na maging mas mapanuri sa impormasyong kanilang tinatanggap.
“It is not an easy challenge but we have to continue to try and do it because it is important that people know the truth, the people know what is happening, that the people are not led into these crazy mind games people have been playing without any connection anymore to reality,” binigyang-diin ng Pangulo.





