
Camp General Alejo S Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Alinsunod sa direktiba ng Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr, at bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng Bulacan PNP laban sa ilegal na droga, dalawang (2) drug personalities ang naaresto ng Guiguinto Municipal Police Station (Guiguinto MPS) sa matagumpay na buy-bust operation dakong 9:30 PM ng Nobyembre 30, 2025 sa Brgy. Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan.
Ayon sa ulat ni PMAJ Ian Sanchez, OIC ng Guiguinto MPS, kinilala ang mga suspek na sina alias “Dencio”, 55 taong gulang, at alias “Ato”, 41 taong gulang, na nahuli habang aktong nagbebenta ng ilegal na droga sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng isang (1) marked money. Nasamsam sa mga suspek ang siyam (9) na heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, kabilang ang buy-bust item. Tinatayang nasa 9 gramo ang timbang ng droga na may halaga sa merkado na humigit-kumulang Php 61,200.
Dinala ang mga suspek sa Bulacan Medical Center para sa medikal na eksaminasyon at sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa drug test, habang isinasagawa ang kaukulang dokumentasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26, Article II ng RA 9165 laban sa kanila.
Ayon kay PCOL Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, “Ang operasyon na ito ay malinaw na patunay ng patuloy na paglalakas ng kampanya kontra ilegal na droga sa lalawigan. Hindi titigil ang Bulacan PNP hangga’t hindi napapanagot ang mga nagpapakalat ng ipinagbabawal na gamot at hanggang hindi natin natitiyak ang kaligtasan ng ating mga komunidad.”





