Bulacan as modern agri-hub, Fernando lauds Metro Pacific’s high-tech, sustainable greenhouse

AGRICULTURAL DEVELOPMENT. Bulacan Governor Daniel R. Fernando visits the Metro Pacific Fresh Farms (MPFF) in San Rafael, Bulacan recently with (from left) MPFF Farm Operations Manager Itamar Vilan, Provincial Agriculturist Ma. Gloria SF. Carrillo, and Metro Pacific Agro Ventures (MPAV) Chief Project Officer Jose Manuel Mapa.

CITY OF MALOLOS – Marking a decisive and strategic shift toward high-technology, sustainable farming, Governor Daniel R. Fernando officially visited the Metro Pacific Fresh Farms (MPFF) Greenhouse Facility in San Rafael, Bulacan, recently, hailing the project as a critical milestone for the province’s agricultural future.

Operated through a strategic joint venture between Metro Pacific Agro Ventures (MPAV) and the LR Group of Israel, this facility currently stands as the country’s largest vegetable greenhouse.

It commands attention for its advanced controlled-environment agriculture (CEA) technology, enabling the consistent, year-round production of premium-quality vegetables while demonstrating exceptional resource efficiency—specifically, requiring minimal water and soil inputs.

MPFF has announced ambitious plans to double the facility’s size by 2026. This aggressive expansion plan will solidify Bulacan’s position as a regional leader in agricultural innovation and scale, setting a new national benchmark for modern farming practices.

Fernando underscored the facility’s immense potential to bolster both food security and local economic opportunities for Bulacan’s farming communities.

His remarks emphasized the powerful synergy between the public and private sectors in driving provincial development.

“Ang proyektong ito ay isang malinaw na patunay na sa sama-samang pagkilos ng publiko at pribadong sektor, mapapabilis ang pagpapaunlad natin nang tuluy-tuloy ang agrikultura sa lalawigan at makakalikha rin ng mas matatag na kinabukasan para sa mga magsasaka ng Bulacan,” the governor said.

 

###

Bulacan bilang modernong agri-hub
Fernando, pinuri ang makabago at sustenableng greenhouse na pasilidad ng Metro Pacific
 
LUNGSOD NG MALOLOS – Opisyal na binisita ni Gob. Daniel R. Fernando ang Metro Pacific Fresh Farms (MPFF) Greenhouse Facility sa San Rafael, Bulacan kamakailan bilang pagmamarka ng isang estratehikong pagbabago sa agrikultura kung saan kinilala niya ang proyekto bilang isang kritikal na palatandaan para sa hinaharap ng agrikultura ng lalawigan.
 
Ang pasilidad na pinamamahalaan ng pinagsamang puwersa ng Metro Pacific Agro Ventures (MPAV) at ng LR Group of Israel ay ang kasalukuyang pasilidad na may pinakamalaking vegetable greenhouse sa buong bansa.

Nakakuha ito ng pansin dahil sa makabagong controlled-environment agriculture (CEA) technology na nagbibigay daan sa tuluy-tuloy at buong taong produksyon ng mga dekalidad na gulay na nagpamalas ng pambihirang kahusayan sa paggamit ng mga likas na yaman, partikular na ang paggamit nito ng kaunting tubig at lupa sa mga pananim.

Inihayag ng MPFF ang plano na doblehin ang laki ng pasilidad sa taong 2026. Ang planong pagpapalawak ng pasilidad ay magpapatibay sa posisyon ng Bulacan bilang lalawigang nangunguna pagdating sa inobasyon at lawak ng agrikultura na magtatakda ng panibagong pambansang pamantayan para sa makabagong pagsasaka.

Samantala, binigyang-diin ni Fernando ang malaking potensyal ng pasilidad upang mapalakas ang seguridad sa pagkain at ang lokal na oportunidad pang ekonomiya para sa komunidad ng magsasaka ng Bulacan.

Binigyang-diin ng kanyang pahayag ang mabisang pagtutulungan sa pagitan ng pampubliko at pribadong sektor tungo sa kaunlaran ng lalawigan.

“Ang proyektong ito ay isang malinaw na patunay na sa sama-samang pagkilos ng publiko at pribadong sektor, mapapabilisang tuluy-tuloy na pagpapaunlad ng agrikultura sa lalawigan at makakalikha rin ng mas matatag na kinabukasan para sa mga magsasaka ng Bulacan,” anang gobernador.