
Umapela ang pamunuan ng Aredumstrico Agricultural Forest Village Development Foundation Inc. (AAFVDFI) sa lahat ng katutubong Aeta at Dumagat sa buong Central Luzon na maging mapanuri at mapagmatyag sa pag apply ng membership gayundin sa nais mag-avail ng kanilang mga programa para sa mga Indigenous People (IP).
Ayon kay Suprema Bae Kalikasan Lorelyn Tobias, presidente ng AAFVDFI pinatawag niya ang lahat ng Indigenous Peoples (IP) tribal chieftains mula sa mga lalawigan ng Aurora, Nueva Ecija, Tarlac , Pampanga, Bulacan, Zambales, Bangsamoro at Bataan upang paalalahanan hinggil sa umanoy nagaganap na paniningil at koleksyon na inuugnay sa kanilang organisasyon.

Sinabi ni Bae Kalikasan na walang kinalaman o hindi konektado ang Aredumstrico Agricultural Forest Village Development Foundation Inc, sa anumang transaksyon ng United As One Peoples Organization at United As One Sectoral Association.
Kasunod nito’y muling ipinaalala ng opisyal, na ang aplikasyon at koleksyon para sa membership sa Tribal Village ay itinigil na base sa kanilang advisory noong Hunyo 2, 2025.
Kaugnay naman sa validation at update ng kanilang application bago ang nasabing petsa, maari silang magsumite ng kanilang dokumento sa FB page na Tribal Village-SJDM.(TDA)
Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang mga chieftains mula sa kanilang kinaaanibang mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat sa mga programang pangkabuhayan ng Aredumstrico na pinamumunuan ni Suprema Bae Kalikasan Tobias.
Sa ginanap na pagpupulong kamakailan ng mga Tribal Chieftains sa Luzon Central Office sa Brgy, Ulingao San Rafael Bulacan, kabilang sa mga dumalo ay sina Datu Tribu Chieftain Throlie Romualdo ng Olongapo-Zambales, Datu Bituin Chieftain Rodolfo Delfin ng Camachin, Doña Remedios Trinidad, Bulacan at Chieftain Crisanto Rodriguez ng Hilltop, Norzagaray, Bulacan.
Hinimok ni Bae Kalikasan, ang mga Chieftains, na palawakin ang pagtatanim ng Cacao,Guyabano at kape sa mga lupain na sakop nang native tittle o Ancestral Domaine para sa kanilang kabuhayan, kung saan may 68 hektarya na lupin ng katutubo sa Tarlac at Bulacan ang maaring taniman ng fruit bearing trees at iba pang halaman.
Kabilang na sa mga naitanim sa mga nasabing Ancestral Domaine ay ang 3,000 puno ng Cacao, 200 puno ng saging at puno ng niyog.
Ang Aeta Remontado Dumagat Tribe (Aredumstrico) na pinamumunuan ni Suprema Bae Kalikasan ay isang Non-Government Organization (NGO) na siyang national implementor ng RA8371 sa ilalim ng Customary Law.