DOH-CLCHD naghatid ng health services sa mga apektado ng baha sa Bulacan at Pampanga

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan dulot ng Crising at Habagat, tiniyak ng Department of Health Central Luzon Center for Health Development (DOH CLCHD) na mapanatili at maayos ang kalusugan ng bawat isa sa rehiyon. 
 
Ayon kay Regional Director Corazon Flores, bilang pangunahing ahensya sa kalusugan ay agad na kumilos ang DOH CLCHD upang makapagpaabot ng serbisyong pangkalusugan kaugnay ng patuloy na pag-uulan na nagdulot ng pagbaha para mapplitan ilikas ang mga apektadong komunidaf.
 
Nitong Martes (July 22) ay bumisita ang DOH CLCHD sa mga evacuation centers sa probinsya ng Bulacan at Pampanga, kung saan kasalukuyang nanunuluyan ang ilang naapektohan ng bagyo. 
 
Sa ilang evacuation centers sa bayan ng Paombong, Bulacan, nagkaroon rin bakunahan kontra tigdas. 
 
Nakasama ni RD Flores ang mga kawani ng Provincial DOH Offices (PDOHO) at ilang Local Chief Executives sa mga nasabing probinsya.
 
Samantala, sa pagtataas ng code white alert para sa Crising PH, patuloy na tinututukan ng DOH CLCHD ang health situation on the ground, lalo na sa mga apektadong lugar ng bagyo.
 
Nagtalaga ito ng mga PDOHO at Human Resources for Health upang agad na matugunan ang mga pangangailangang pagkalusugan sa mga probinsya nito. 
 
Namimigay rin ang mga ito ng health commodities, kabilang na ang mga gamot gaya ng Doxycycline na kinakailangan kung sakaling lumusong sa baha.
 
Tiniyak ng DOH CLCHD ang pagkakaroon ng malinis na inuming tubig, maging ang tamang sanitation at hygiene, lalo na sa mga evacuation centers.
 
Tuloy-tuloy rin ang public health advisories, pati na rin ang mga health education kaugnay ng mga sakit sa panahon ng tag-ulan at pagbaha, gaya na lamang ng W.I.L.D. diseases.
 
Patuloy din ang pagbabantay at pagkilos na isinasagawa ng DOH CLCHD sa mga health risks na kaugnay ng bagyo.
 
Nananatili ring bukas ang linya ng koordinasyon nito sa mga LGU at health facilities upang agarang matugunan ang anumang suliraning pangkalusugan.