MABISA ANG SANDATA LABAN SA MGA PASAWAY




COVID-19, ang salot na laging laman ng usapan at mga balita na siyang lagiang nagbabanta at kumikitil sa buhay ng tao. Paano maiiwasan ito kung ang tao ay binabaliwala ang mga alituntunin ng ating mga awtoridad, na sundin ang mga protokol pangkalusugan laban sa nasabing salot. Ang ibang tao ay mapusok, walang pakundangan sa buhay ng kapwa-tao kung sila man ay makapang-hawa, basta masunod ang kanilang kalayawan. Dahil dito ay minabuti nating hingan ng payo ang mga taong may mandato o direksyon sa taumbayan.
Ano ba ang kahalagahan ng payo? Napakahalaga nito lalo at maraming tao ang walang desiplina sa sarili, walang pakialam sa kalagayan ng kapwa-tao, walang sentido-kumon at waring walang kamatayan. Ang payo ay tumutulong sa mga tao na gumawa ng mas kaunting pinsala, kaysa sa kung hindi man sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga balbula sa pagpapalabas ng asal, praktikal at isinasaalang-alang ang kalikasan at pag-uugali ng tao at nag-aalok ng pinakamainam na solusyon. Katulad ng ginagawa ng Katropa na magbigay ng opinyon o mungkahi sa tao, tungkol sa kung ano ang dapat gawin, upang maiwasan ang salot na ‘coronavirus.’ Samakatuwid, ang matuwid na pagpapayo ang siyang mabisang paraan laban sa mga pasaway!


Narito ang payo ni Mayor Enrico ‘Rico’ Roque, ng bayang Pandi, Bulacan, laban sa COVID-19: 

“Sa panahon ngayon, kung saan halos lahat ng bayan ay dumaranas ng pagdami ng ‘Covid cases,’ ay patuloy po tayong mag-ingat. Pag-ingatan ang ating pamilya at maging responsable ang bawat-isa, kung saan anumang nararamdaman natin na posibleng sintomas ng ‘Covid-19,’ ay huwag na po tayong lumabas ng bahay para hindi na tayo makahawa pa ng iba. Maraming salamat kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa palagi n’yang paalala, at panawagan na magpabakuna. Napatunayan natin sa bayan ng Pandi, ang halaga ng pagpapabakuna at ang mabilisang aksyon na mabakunahan ang bawat residente. Dahil mahawahan man tayo ng ‘virus’ ay halos ‘mild symptoms’ na lang ang meron tayo. Ipinakita na sa bakuna protektado ka!”

Narito naman ang payo na nakalap natin mula kay Mayor Arthur Robes, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan: “Dahilan sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 sa lungsod, tayo’y hindi tumitigil ng paggawa ng mga karamptang hakbang upang ating malagpasan ang mabilis na pagkalat ng virus na ito. Muli ang aking paalala na laging sundin ang mga health at ‘safety protocols’ nang sa gayon ay manatili tayong ligtas sa anumang oras. Ibayong pag-iingat ang kinakailangan mahal kong San Joseño! Kayang-kayang natin ito basta tayo ay nagkakaisa!” 

Mula naman sa Ama ng Lalawigan ng Bulacan na si Gov. Daniel Fernando: “Mag-ingat! Laging magsuot ng ‘face mask,’sundin ang ‘health protocols’ at sumunod sa makabuluhang guidelines ng IATF. Patuloy na manalangin, magkaroon lagi ng pag-asa at huwag masiraan ng loob. Maging desiplinado.” 

Tsk! Tsk! Tsk! Iyan po ang mga matuwid na payo, kung nais po ninyong makaiwas sa malubhang karamdaman at may tiwala kayo sa mga nagpapayo ay maaari ninyong ipagpatuloy ito nang walang anumang mga isyu o problema. Iyan ay para narin sa ating kaligtasan laban sa mapamuksang COVID-19. Tulad ng ating naisusulat, umiwas sa inaakala nating makakasama sa ating kalusugan at wala sa panahong kamatayan. Hanggang sa muli.