Nitong nakaraang araw ay napadaan tayo sa isang Munisipyo dito sa Bulacan. Noong araw na iyun ang mga tao ay nahihintakutan ng dumayo at gumawa ng anumang transaksiyon sa nasabing lugar. Ayon sa isang nakausap, maraming empleyado ang nabiktima ng bagong baryante ng COVID-19, ang panibagong salot na Omicron! Gayundin sa isa pang lugar na ganoon din ang problema, mga empleyado ng pamahalaan naapektuhan na din.
Grabe na talaga ang pamiminsalang idinudulot sa tao, nitong salot na ‘Omicron virus’. Itong Omicron na isa sa baryante ng COVID-19, na batay sa impormasyong ating nakalap ang ‘Omicron variant’ ay malamang na mas madaling kumalat kaysa sa orihinal na ‘SARS-CoV-2 virus.’ At kung gaano kadali kumalat ang Omicron kumpara sa Delta ay nananatiling ‘unknown.’ Sinumang may impeksyon na dulot ng Omicron ay maaaring maikalat ang ‘virus’ sa iba, kahit na sila ay nabakunahan o walang mga sintomas? Ganoon ba iyun!?
Dahil dito ilan sa mga taong ating nakadumpalad ng araw na iyun ay ating nahingan ng payo, kung paano pa ang nararapat pang gawin laban sa ‘virus,’ Ating nahingan ng reaksyon si G. Francis Silverio, kawani ng pamahalaang Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan: “Kailangan ang dobleng ingat, iwasan ang mga bawal at sundin ang mga ‘health protocols’ na itinatadhana ng ating Pamahalaan. Ang mga magulang ay dapat ingatan ang kanilang mga anak laban sa ‘virus,’ at huwag ng ilabas ng bahay.” Ayon naman kay G. Robert P. Ramirez Jr., Senior Tourism Operations Officer sa LSJDM: “Para makaiwas tayo sa kumakalat na ‘virus’ siguro dapat lagi nating isipin na lahat na nakasasalamuha natin sa araw-araw, kahit ka-trabaho, ka-pamilya at mga kaibigan na’close’ sa atin, isipin natin na sila ay maaaring may dala ring ‘virus.’ Upang sa gayon ay lagi tayong ‘aware’ na maaari tayong makakuha ng ‘virus so with that’ lagi tayong mag-iingat. ‘Social distancing,’ laging mag-‘disinfect’ ng kamay at laging nakasuot ng ‘face mask,’ upang hindi tayo mahawa ng ‘virus.’ Sa tingin ko ‘by that’ mas maiiwasan natin ‘yung magkahawaan ng COVID-19 sa ngayon.
Tsk! Tsk! Tsk! May tanong na ating nakalap kung maaari bang magdala ng COVID-19 ang mga taong walang sintomas? Oo, ang mga nahawaang tao ay maaaring magdala ng virus kapag mayroon silang mga sintomas at kapag wala silang mga sintomas. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na ang lahat ng taong nahawaan ay matukoy sa pamamagitan ng pagsusuri, ihiwalay at depende sa kalubhaan ng kanilang sakit at tumanggap ng pangangalagang medikal.
Sa pagkakaroon ng matinding Sakit, higit pang datos ang kailangan upang malaman kung ang mga impeksyon sa Omicron, at lalo na ang mga reinfections at breakthrough na impeksyon sa mga taong ganap na nabakunahan, ay nagdudulot ng mas matinding sakit o kamatayan kaysa sa impeksyon sa iba pang mga variant.
Sa ating mga kababayan, inuulit natin na gamitin ang ating dunong at talino o sentido kumon laban sa ‘virus.’ Tulad na ng ating naisusulat, anumang bawal ay iwasan, sundin ang mga protokol sa kalusugan. Kung maaari at wala namang mahalagang pupuntahan, ay huwag maging mapusok na lumabas pa ng bahay, maging mahinahon at manatili na lamang muna sa loob ng kabahayan. Hanggang sa muli.