Master Plan sa floodways project ilabas ngayong 2025, giit ni Revilla

Iginiit ni re-electionist Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na dapat maglabas na ng master plan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng mga floodways project sa buong bansa sa taong ito.
 
Sa panayam kay Revilla matapos ang ginanap na major rally ng buong slate ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas sa Lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan nitong nakaraang Biyernes, binigyang-diin ng senador ang agarang pangangailangan para sa isang komprehensibong master plan upang matugunan ang lumalalang problema sa pagbaha sa bansa.
 
SEN. BONG REVILLA
 
“Hindi pwedeng pache-pache o bungi-bungi ang paggawa ng mga floodways natin, dapat talaga may master plan,” wika ni Revilla na siyang Chairman ng Senate Committee on Public Works.
 
Mababatid na isa ang lalawigan  ng Bulacan sa Gitnang Luzon na lumulubog sa baha at high tide kaya naman malimit na pumapasyal si Revilla dito kasama ang mga kawani ng DPWH upang personal na makita at mapag-aralan ang kalagayan ng mga Bulakenyong apektado ng pagbaha sa tuwing sasapit ang tag-ulan at bagyo.
 
Samantala, itutulak din ni Revilla ang pagpapalakas ng Building Code ng bansa upang matiyak na ang mga istruktura ay kayang sapuhin ang mga malalakas na lindol.
 
“We will push for the assessment of older buildings to determine if they should be reinforced or demolished for safety,” he said.
 
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mahigit 20,000 Bulakenyo ipinagmalaki nito ang kaniyang 30-taon bilang public service matapos maluklok bilang Bise Gobernador, Gobernador, PRB Chairman, naging No. 2 senador noong 2004 at No. 1 noong 2010.
 
Aniya, nakapaghain siya ng mahigit 2K na batas at nakapagpasa ng 343 na batas na ngayon kabilang ang Kabalikat Sa Pagtuturo Act, Expanded Centenarians Law na magpapalawig ng mga insentibo at benepisyo sa mga lolo at lola na aabot sa edad 80-100 taon, at para sa mga estudyante na Anti-No Permit No Exam Policy.
 
Kaya naman muli nitong nakiusap sa mga Bulakenyo na muli siyang suportahan sa darating na Mid Term Election 2025.