KALAHI-CIDSS facility pinasinayahan sa Guiguinto

Pormal nang pinasinayahan ng Department of Social Welfare and Development kasama ang Pamahalaang Lokal ng Guiguinto, Bulacan ang KALAHI-CIDSS Sub-project Multi-Purpose Building na siyang makakatuwang ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng social services sa komunidad nitong Linggo, Jan 19.
Senator Imee Marcos (2nd from left) together with Bulacan 5th District Congressman Ambrosio Cruz Jr. (left) and Mayor Agatha Paula Cruz (3rd from left) speak with special children with their parents and teachers headed by Guiguinto Central School Principal Charito Laggui during the inauguration of the KALAHI-CIDSS Sub-project Multi-Purpose Building that they will use as Special Education Center held on January 19, 2025. PHOTO BY FREDERICK SILVERIO
Pinangunahan ni Senator Imee Marcos ang isinagawang inagural ceremony kasama sina 5th District Representative Cong. Ambrosio Cruz Jr, Guiguinto Mayor Agatha Paula Cruz, DSWD Field Office 3 regional director Venuz Rebuldela at Atty. Bernadette Joaquin, National Program Manager ng KALAHI-CIDSS.
Ayon kay Mayor Cruz, naisakatuparan ang pagpapatayo ng KALAHI-CIDSS Sub-project Multi-Purpose Building sa pamamagitan ng DSWD sa inisyatiba at tulong ni Senator Marcos kung saan pinondohan ito ng P10-milyon.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng  Ika-27 Halamanan Festival sa nasabing bayan.
Ayon kay Charito Laggui, Principal ng Guiguinto Central School, sila ang recipient na gagamitin nila bilang Special Education Center para sa mga special children.
KALAHI-CIDSS KKB o ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services-Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay ay isang programa sa bansa na naglalayong mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyong panlipunan at mga lokal na solusyon.
Ayon kay Atty. Joaquin, ang nasabing programa ay nagpapabuti ng kalidad ng buhay, nakikilahok sa mga komunidad sa larangan ng mga serbisyo kabilang din ang pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura.
“This program is one of the poverty alleviation programs of the government being implemented by the DSWD where it uses the community-driven development approach. It is a globally recognized strategy for achieving service delivery, poverty reduction, and good governance outcomes,’  wika ni Joaquin.
Sa pamamagitan ng nasabing programa, ang mga miyembro nito ay binibigyang kapangyarihan na tukuyin at tugunan ang mga  pinakamahihirap na pangangailangan ng kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga sub-project tulad nito.
 Dumalo sa inagurasyon ang mga barangay health workers, parent and teachers association, parents with special child kung saan hinarap at kinausap ni Marcos ang mga ito at kinamusta.
Lubos ang pasasalamat ng alkalde kay Marcos at sa DSWD dahil sa bagong pasilidad na tutulong sa maraming Guiguinteno partikular na sa mga Persons With Disability (PWD) at Special Children gayundin sa mga pamilyang hirap magpaaral sa kanilang mga anak.