Kinatigan ng Caloocan City Regional Trial Court ang apela ng kampo ni arrested Pandi Mayor Enrico Roque na ‘Motion to Quash’ Warrant of Arrest kaugnay ng kasong ‘Rape’ na isinampa sa alkalde at sa kasama nitong municipal councilor at municipal employee kanina.
Kabilang sa mga akusado ay sina Konsehal Jonjon Roxas, 48 at Roel Raymundo, 54 pawang residente ng Pandi, Bulacan.
Bago mag alas-dose ng tanghali ay lumabas na ang release clearance mula sa Caloocan City RTC Branch 121 pirmado ni Judge Ma. Rowena Violago Alejandria.
Ang kinatigang mosyon ay nagpawalang-bisa sa warrant of arrest laban sa mga akusado kung saan pinagbasehan dito ay mali, gawa-gawa at may motibo sa pulitika na paraan lamang ng uri ng pangha-harass.
Nabatid na base sa warrant of arrest nakasaad na ang mga akusado ay residente ng Bagong Silang, Caloocan City at wala sila natatanggap na subpoena mula sa korte na malinaw na inalis sa kanila ang kanilang constitutional right to due process.
Samantala, si Konsehal Roxas ay kasalukuyan naka-confine sa Delos Santos Medical Center dahil sa ‘pneumonia’ mula pa noong Biyernes.
Ayon kay Mayor Roque, naniniwala siya sa simula pa lang ay kakatigan ng korte ang kanila mosyon dahil wala naman basehan at malinaw na fabricated ang kasong isinampa laban sa kanila.
“Si Mayor Roque nakita niyo kinasuhan nakakulong, pero si Mikaela (complainant) nasaan? Hanggang ngayon hindi lumilitaw at wala sa address na binigay, kaya malinaw na lies and fabricated,” wika ni Roque.
Aniya, wala siya tirahan sa Bagong Silang, Caloocan at 15 years na siya hindi nakakatuntong dito na taliwas sa salysay ng complainant.
Ayon kay Atty John Ree Doctor, abogado ni Roque, tuloy pa rin ang kaso kung saan ibabalik sa Prosecutors Office ang kaso para dumaan sa tamang proseso at re-investigation kung saan dito malalaman kung sino ang mga involve sa kaso at upang lumitaw na rin ang nag-akusa at abogado nito.
“Ang pag-grant ng motion to quash ay sa warrant of arrest lang po at ang information sa korte ay nananatiling standing at nagkaroon ang korte ng order na reinvestigation sa makatuwid ang kaso ay hindi pa po tapos at haharapin namin ito,” ano Atty. Doctor.
Ayon kay Roque, willing siya na humarap sa imbestigasyon para malaman kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo.
Nagpasalamat naman si Roque sa pag-grant ng korte sa kanilang apela.
Sa ngayon ayon sa abogado ni Roque, pag-aaralan pa nila ang next move nila kaugnay ng kaso.
Mainit naman sinalubong ng mga supporters si Mayor Roque na agad na dumeretso sa munisipyo bnadang alas-2pm para magtrabaho bilang punong alkalde.
Ang mga empleyado ng munisipyo ay magkahalong emosyon ang naramdaman sa pagsalubong kay Roque karamihan ay umiiyak sa tuwa dahil nakalaya na ang kanilang mayor.